4,899 guests

Richard, nanghihinayang na wala silang kissing scene ni Jean

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 457
Richard Yap & Jean Garcia Richard Yap & Jean Garcia

crush pala ni Richard Yap si Jean Garcia noong bata-bata pa siya. Hindi man lang sumagi sa isip niya na magku-krus ang landas nila dahil sa pelikulang “Mano Po 7: Chinoy.”

“Tapos, magiging asawa ko pala siya dito sa ‘Chinoy’,” sabi ni Richard na excited. “Kaya lang, walang kissing scenes.”

Sa kabila ng panghihinayang na wala silang kissing scene, feeling ni Richard, si Christopher de Leon siya nang-i-offer sa kanya ni Mother Lily ang “Mano Po 7: Chinoy. “Feeling lang,” sabi ni Richard.

“May pelikula kasi si Boyet noon na ang role niya ay head of a Chinese family na yumaman nang husto. Narinig ko ang tungkol sa pelikula dahil usapan sa Chinese community lalo’t sa ending ay ipinakita ang mga Chinese personality na napamahal sa mga Pilipino noong kanilang panahon. Sa totoo lang, hindi ako nangarap na magkaroon din ng pelikulang katulad ng ginampanan ni Boyet. But it happened. Kahit family ko, nagulat sa pelikulang ito.

“May kaunting similarity ang role ko sa ‘Be Careful with My Heart,’ ‘yung masungit na Chinoy. The same with my role in ‘Binondo Girl.’Masungit din ako at mayaman,” aniyang natatawa.
   
“When I met Mother Lily, I told her na fan niya ako at siyempre, masaya dahil this is a dream come true for me.”
   
Samantala, isa pang ikinatutuwa ni Richard this Christmas ay ang pagkakataon na makapag-bond sa kanyang pamilya.
   
“Hindi lang kami makakapagplano, kundi makakapunta pa sa abroad, kung saka-sakali. Hindi kumpleto ang buhay ko kung wala akong panahon sa family ko.”

IAN: FAITHFUL HUSBAND AKO

TRAILER pa lamang ay mukhang napakaganda na ng pelikulang pagtatambalan nina Bea Alonzo at Ian Veneracion na kinunan pa on location sa Germany, ang  “A Love to Last” mula sa Star Cinema.
   
Tiyak kami na masaya si Ian sa ganda ng kanyang mga project ngayon dahil pabata nang pabata ang kanyang leading ladies at ‘nagmumura’ pa ang kagandahan.
   
Sa title pa lamang ay namumuro na ang mga eksenang magkakaroon ng love  scenes si Ian kay Bea tulad ng mga eksena ni Richard Gomez kay Bea Alonzo nang magsama sila sa “A Love Affair.”
   
Tiyak na matatawa na naman si Ian kapag natanong siya kung naakit ba siya sa ganda ni Bea. Manhid lang naman kasi ang sinumang lalaki kung wala silang naramdaman sa mainit nilang eksena sa isang babaeng kasing ganda at kasing seksi ni Bea.
   
Kahit ulit-ulitin pa nilang sabihin na nagpapaka-professional lang sila, siyempre, lalake pa rin sila.
   
“Faithful husband ako,” lagi niyang sinasabi.” Magagalit si Jesus!” patuloy niya sabay tawa.

ISANG PAKIUSAP KAY ‘BIG BROTHER’

WALANG episode ng Pinoy Big Brother na pinalalampas kami.
   
The height  ng paghanga ko kay Big Brother ay ang Teen Edition ng Lucky 7 nina Edward Barber, Kisses Delavin, at MayMay Entrata. Natitiyak kong sisikat nang husto ang tatlong ito.
   
Pero, itong adult edition nilang ipinalabas nitong Miyerkules at Huwebes, sumakit ang ulo ko sa awa sa  housemates. Lalo na ang mga babae na isinilang sa sumo wrestling.
   
Nagkakasakitan na, nagkaka-duguan pa.
   
Kailangan ba nilang sumunod sa ganitong uri ng labanan? Akala ko, it’s all for fun. Mahirap man ang task, hindi naman pinababa ang kanilang pagkatao sa ganoong uri ng labanan.
   
Please, Big Brother, ibalik mo sa kanila ang kanilang dignidad.