5,548 guests

Bianca, nakatakdang ipakilala ni Fabio sa parents sa Brazil

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 435
Fabio Ide and Bianca Manalo Fabio Ide and Bianca Manalo

FORMER beauty queen-turned actress Bianca Manalo got a big surprise  on the eve of her 30th birthday from her Brazilian-Japanese boyfriend, model-actor Fabio Ide.

Last Sunday, November 27 ay dumating galing sa ibang bansa (Albania) si Bianca at sinalubong ng boyfriend sa airport na may dala-dalang bulaklak.

Dahil sa pagod sa sobrang haba ng biyahe (30 hours)  ni Bianca, gusto niyang umuwi at magpahinga pero wala siyang kaalam-alam na may niluto palang surprise midnight party for her si Fabio sa isang famous place in Bonifacio Global City.  Pagdating nila sa lugar, bumulaga sa kanya ang kanyang mga kapatid and close friends kaya halos mapaiyak sa tuwa at pagka-sorpresa ang beauty-queen-actress.

Bukod  sa surprise asalto, niregaluhan pa ni Fabrio ang girlfriend ng isang round-trip ticket to Brazil dahil isasama niya (Fabio) si Bianca sa kanyang hometown para ipakilala sa kanyang pamilya.

Ang magkasintahang Fabio at Bianca ay nag-celebrate ng kanilang first anniversary sometime in July this year.

Samantala, proud si Bianca sa pagiging 3rd-runner-up ng kanyang younger sister na si Nicole Manalo sa 2016 Miss Globe na ginanap sa Albania.  Bukod sa pagiging 3rd-runner-up, si Nicole din ang nakakuha ng Dream Girl of the World  award.

NICOLE, NANALO PERO ‘DI IN-ANNOUNCE

REPEATER sa Bb. Pilipinas beauty pageant si Nicole Manalo, ang nakababatang kapatid ng 2009 Bb. Pilipinas-Universe winner na si Bianca Manalo.
   
Sumali na si Nicole sa Bb. Pilipinas in 2014 but lost pero hindi siya nawalan ng pag-asa at muli siyang sumali so 2016 Bb. Pilipinas at siya ang nanalo ng crown ng Bb. Pilipinas-Globe.
   
Si Nicole ang naging kinatawan ng Pilipinas sa 2016 Miss Globe na kamakailan lamang ginanap sa Albania, Southeastern part ng Europe.
   
Kung ang host ng Miss Universe 2015 na si Steve Harvey ay nagkamali nang si Miss Colombia na si Ariadna Gutierrez-Arevalo  sa halip na si Pia Wurtzbach ang tawagin bilang Miss Universe,  mas malala ang kaso ni Nicole. Hindi binasa at all ng host/emcee ng Miss Globe ang kanyang pangalan bilang isa sa winners.
   
Dahil hindi nai-announce ng emcee ang 3rd at 4th-runner-up winners, idinaan na lamang sa Facebook live ang announcement para rito kaya maging si Nicole na siyang nanalo bilang Miss Globe third runner-up ay nabigla rin nang malaman niya ito.
   
Ano ba ‘yan?

REP. EMMELINE VILLAR, MAS BAGAY NA TV HOST

MARAMI ang nagsasabi na ang  misis ni DPWH Secretary Mark Villar na si Partylist representative Emmeline Aglipay-Villar ay mas bagay maging talk show host kesa isang congresswoman.
   
Sa isang presscon recently na ginanap sa Ka Tunying’s in Timog Avenue, Quezon City para sa foundation na itinatag niya na may kinalaman sa sakit na lupus, pinahanga niya ang entertainment media hindi lamang dahil sa kanyang pag-amin na siya’y maysakit ng lupus kundi dahil napaka-articulate nitong magsalita.  Hindi naman ito kataka-taka dahil isa siyang abogada.
   
Bukod sa pagiging anak ni dating PNP Chief Edgardo Aglipay, si Congresswoman Villar ay first cousin ng yumaong matinee idol na si Rico Yan.
   
Ang ina ni Cong. Villar at ama ng yumaong actor ay magkapatid making them first cousins.
   
Taong 2007 nang magkasakit ng lupus si Cong. Villar, isang sakit na kung sa iba ito dumapo ay mawawalan na ng ganang mabuhay.
   
Bukod sa nalugas ang mga buhok ni Cong. Villar, hindi umano kaaya-aya ang kanyang mukha at buong katawan dahil pantal-pantal ang mga ito at namaga umano ang mga kamay at paa  dahil apektado na umano ang iba’t iba niyang vital organs sa katawan.
   
Ganunpaman, naging matapang ang kongresista na harapin ang  dumapong sakit sa kanya,
   
Natuto umano siyang gumamit ng wig.
   
Nakilala ni Cong. Villar ang kanyang mister na si Sec. Mark Villar sa Kongreso. Pero inamin nito na sa simula ay walang gaanong atraksyon ang Cabinet secretary sa kanya. Gayunman, naging matiyaga raw ito sa panunuyo sa kanya.  At ang maganda pa, tinanggap siya sa kabila ng kanyang naging karamdaman.
   
Bago pa man daw sila naging magkasintahan ay sinabi na niya kay Sec. Villar na baka hindi sila magkaroon ng anak dahil sa kanyang sakit. Pero tinanggap siya nito nang buong-buo.
   
At ang maganda, biniyayaan ang mag-asawa ng isang anak na babae na itinuturing nilang `miracle baby’.
   
Kung titingnan ngayon si Congresswoman Emmeline Villar, hindi aakalain na dumanas ito ng matinding challenge sa buhay. Malaki ang naitulong sa kanya ng positibong pananaw.

NAKAAANTIG NA FIRST EPISODE NG ‘HAPPY LIFE’

SA December 11 (Sunday) at 9:30 a.m. na ang pilot episode ng bagong travel show (with a cause), ang “Happy Life” hosted by former beauty queens and models na sina Bea Santiago, MJ Lastimosa, Jamie Herrell, Giulia Zahar , Sophie Rankin at Anthea Murfet and directed by actor-director Eric Quizon under White Lion Media Productions na pinamumunuan ni Kim Singson, isa sa mga anak ng businessman-politician na si Chavit Singson.
   
Inamin ng mga beauty queen-host na nagi-enjoy umano sila sa  programa hindi lamang dahil sa nakakarating sila sa iba’t ibang lugar ng Pilipinas  kundi higit sa lahat ay nakatutulong sila sa mga nangangailangan.
   
Napaka-moving ng first episode kung saan isang matandang babaeng farmer  ang naging recipient ng isang fully-furnished house and lot, Nakita ng team ng actor-director na si Eric Quizon ang nakakaawang kalagayan ni Aling Gabina Luna na nagkakasya sa isang makeshift house na tiyak na malilipad ng isang malakas-lakas na hangin.
   
Ang buong akala ni Aling Gabina ay nananaginip lamang siya nang  i-turn over sa kanya ang house and lot ng mga naggagandahang host  ng “Happy Life” at ng producer at donor na si G. Chavit Singson.
   
Samantala, inihayag ni G. Chavit na bubuhayin niya ang Northern Star Productions para mag-produce ng pelikula.
   
“Marami rin ang mga walang trabaho sa mga taga showbiz. Kapag  active na muli sa pagpu-produce ang aming kumpanya, maraming taga-industriya ang matutulungan,” diin ng businessman-politician na siya ring magdadala sa Pilipinas sa “Miss Universe Pageant na gaganapin sa SM MOA Arena on January 30, 2017.