4,971 guests

Vic, dapat maghanap na ng bagong karakter

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 764
Vic Sotto Vic Sotto

ANO ba meron ang  “Enteng Kabisote” ni Vic Sotto and up to now pagkatapos ng sampung taon ay pinanonood pa rin ng tao, kahit wala sa MMFF? Ang “Enteng Kabisote and the Abangers 10” is shown ahead of the festival which officially opens on Christmas Day, but still played to a good crowd (although hindi lang kasindami kapag Pasko).

Ang sikreto, Bossing makes the movie with children in mind. Natutunan daw niya ito sa yumaong Fernando Poe, Jr. na nagsabi raw sa kanya na ang Pasko ay para sa mga bata kung kaya’t nararapat lamang na may pelikulang nakalaan para sa kanila sa araw na ‘yon. Kaya nga, FPJ made it a point na laging may “Panday” silang mapapanood noon. Well, nawala man ang “Panday” (na hindi na nga nag-click maging sa TV versions nito, lalo na ang huli on TV5 with Richard Gutierrez playing the iconic character) ay naging panagot naman ang “Enteng Kabisote.”

Sa pagbabago ng mukha ng MMFF, magpa-tuloy pa rin kaya ang adventures ni Enteng sa mga susunod na taon kung hindi ito maipapalabas sa Pasko tulad ng nangyari ngayong taong ito?

Kung hindi, marahil ay dapat na ring humanap ng ibang karakter ni Bossing Vic, who’s more likely the new Dolphy than FPJ. Maganda sigurong humanap siya ng isang domesticated funny character ala John (sa “John & Marsha”) with wife Pauleen Luna or another beauty queen as leading lady.

What do you think?

MGA INGAY NA ‘DI GARANTIYA SA TAKILYA

MARAMI ang nagsasabi na ang pagkapanalo ni Paolo Ballesteros sa Tokyo Film Festival as best actor kamakailan ay hindi garantiya na magiging winner ang kanyang pelikulang “Die Beautiful” sa takilya in the coming Metro Manila Film Festival.
   
It might help but the chances are slim. Sanay na ang tao na makitang nakadamit babae si Ballesteros na perfect nagagaya kahit ang sikat na Hollywood actress na si Angelina Jolie.
   
Tinanghal si Jaclyn Jose as best actress sa Cannes Film Festival pero nang itanghal locally ang pelikula niyang “Ma Rosa” ni Briliante Mendoza ay hindi man lang ito gumawa ng kalansing sa takilya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nababago ang panlasa ng Filipino moviegoing public pagdating sa local movies.
   
Ito nga ang agam-agam ng marami para sa darating na MMFF. Kabilang na rito ang “Kabisera” starring Nora Aunor whose indie projects ay hindi gaanong tinatangkilik ng tinatawag na “strong supporters” ng superstar. Maingay sila kapag ang superstar ang binabanatan pero nasaan ba sila kapag showing na ang pelikula ng kanilang idolo? O hindi ba sapat ang bilang nila para ma-translate naman sa ingay sa takilya?

BUHAY NI ENZO PASTOR, GUSTONG ISAPELIKULA

MAY nagbabalak na isapelikula ang naging buhay ng slain car racer na si Enzo Pastor at ang napipisil gumanap ay si Derek Ramsay. Ang magiging focus daw ng istorya ay ang pagiging acclaimed Filipino racer ni Enzo na umani ng maraming tagumpay internationally. Kukunan ito sa France, Macau and the United States.
   
2017 will mark the third death anniversary ni Enzo. At ang kanyang pagkamatay, na ayon sa imbestigasyon ay posibleng love triangle ang motibo, ay hindi naman magiging sentro ng pelikula.
   
Well, alam naman natin ang manonood. Kapag ganito ang premise ng pelikula. matabang ‘yon ayon sa kanilang panlasa. They need more excitement than racing cars dahil alam naman natin na hindi masyadong popular ang sport na ito sa Pilipinas considering na medyo expensive ang pagpursigi nito.
   
Samantala, wala kayang producer na mangahas na isapelikula rin ang love story ng isang senadora at ang kanyang bodyguard, ayon na rin sa salaysay ng huli sa pagharap nito sa Kongreso kamakailan lamang? A clever scriptwriter could fictionalize it. A suggested title from our entertainment editor, Eugene Asis: “Love Signal No. 5.”
   
Well, paging Carlo J. Caparas.