4,860 guests

Galit na galit!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 589

Claudine sa nanakit kay Santino: 

Baka mapatay ko kayong lahat!

Ngayong araw ang sinabi ni Claudine Barretto na papangalanan ang taong diumano’y nanakit sa anak niyang si Santino. Pinost nito ang picture ng right arm ng anak na namumula pati ang resulta ng check up kay Santino pinost ni Claudine at ibinalitang maku-confine ang bata dahil sa pananakit ng katawan.

Galit na galit si Claudine sa nanakit sa kanyang anak at sabi sa isang post nito, “Nagkamali kayo ng SINAKTAN!!! You hurt my son PHYSICALLY GOD FORGIVE ME SA ANONG GAGAWIN KO SA INYO!!!

Sinundan pa ng “I swear with my life mga animal kayo!!! I WILL SEE YOU IN COURT!! God forbid makaharap ko isa sa inyo baka MAPATAY KO KAYONG LAHAT!” at “Makalabas lang si Saint ng OSPITAL MAGTAGO NA KAYO!!!” at “Kumalma ako??? Sinaktan nyo 10 years old ang tatanda nyo na mga hayop kayo! Manginig kayo sa gagawin ko.”
   
Sabi ni Claudine, chinoke at twinist ang right arm ng bata. Nagtago na raw ang nanakit sa anak at hindi siya titigil hangga’t hindi nagsu-sorry ang may sala.
   
“Ang akin lang MAG SORRY SILA SA ANAK KO AT SA AKIN. Sobrang laki ba ng hinihingi namin? Sinaktan si Saint d biro patulan mo ang 10 years old.”
   
Ayon pa kay Claudine, 28 y/o ang nanakit sa anak na pamilya ni Raymart Santiago batay na rin sa post nitong “sana nga maipaglaban nya anak nya (Raymart) kahit minsan lang SA buhay nya. Pamilya nya kasi yun kaya malamang gusto nya walang gulo pero puwede ba namang palagpasin dahil lang pamil-ya nila????!!!

* * *

Natawa ang mga nakapa-nood ng video nina Barbie Forteza at Ivan Dorschner na kuha sa pictorial ng rom-com series na Meant To Be. Kinikilig kasi si Barbie, hindi makatingin nang deretso kay Ivan at nag-dialogue pa ng “’wag kang ganyan, marupok ako.” Pati si Ivan natawa lalo na sa sinabi pa ni Barbie na “ang landi.”
   
Sa apat na leading men ni Barbie, mukhang kay Ivan siya mali-link at mapu-fall, kahit nagpakita rin ng sweetness si Ken Chan na nagbigay ng Starbucks sa aktres. Ang dalawa pang leading men ni Barbie ay sina Jak Roberto at Addy Raj. Si Barbie rin at ang apat na leading men ang kakanta ng theme song.
   
Sa January 2017 ang airing ng rom-com series sa direction ni LA Madridejos. Kabilang sa cast sina Manilyn Reynes, Tina Paner, Sheryl Cruz, Keempee de Leon, Sef Cadayona, Mikah dela Cruz at Ms. Gloria Romero.

* * *

Masaya si Ryza Cenon dahil sumasabay sa ganda ng career ang pagkakaroon ng love life. Nag-“I love you” siya sa BF na si Pocholo Barretto at based sa post niya, tila two months na ang relasyon nila. Kaya sobrang happy ang aktres ngayon.
   
Magkasunod pang mapapanood ang pelikulang Enteng Kabisote 10 and The Abangers  na kasama siya sa cast at showing sa November 30 at ang airing sa December 5 ng Afternoon Prime ng GMA-7 na Ika-6 Na Utos.
   
Honored si Ryza to be working with Vic Sotto sa Enteng Kabisote, her first movie with Vic at masaya ang experience niya. Lagi raw maraming food sa shooting, masaya ang buong cast at nadagdagan ang friends niya.
   
Thankful din siya na makatrabaho sina Gabby Concepcion at Sunshine Dizon at maidirek ni Laurice Guillen sa Ika-6 Na Utos. Tiyak siyang maraming matututunan sa kanila sa project na kinu-consider niyang her biggest.

* * *

Sa Someone To Watch Over Me, involved si Max Collins sa isang magulong relasyon kasama sina Tom Rodriguez at Lovi Poe. In real life, masaya ang aktres sa four years relationship nila ni Pancho Magno na tila sa pagpapakasal mauuwi.
   
Sabi ni Pancho, puwede na silang magpakasal, pero focus muna sila sa career at nag-iipon muna sila at thankful na pareho silang may show sa GMA-7. Si Max nasa STWOM at si Pancho kasama sa Encantadia.  
   
Samantala sa STWOM, nasa moderate stage na ang Alzheimer’s ni TJ (Tom), hindi na nito kilala si Joanna (Lovi) at nananakit na. Gusto ni TJ na umalis sa bahay at puntahan si Irene (Max). Wala nang nakikilala si TJ, no choice si Joanna kundi puntahan si Irene para humingi ng tulong para kay TJ.

* * *

Hindi nagpahuli ang GMA Artist Center talent na si Teri Malvar kay Barbie Forteza na na-feature sa isang international magazine. Itinampok si Teri ng Rogue at sabi ng writer article, si Teri as one of the nine women “who shook up cinema in 2016” after niyang manalo sa iba’t ibang award giving bodier worldwide.
   
Mahusay na aktres si Teri at pagsama-samahin sila ng GMA-7 nina Barbie, Barbara Miguel at  Miggs Cuaderno sa isang magandang drama series. Sa ngayon, napapanood si Teri sa afternoon soap na Oh, My Mama na magtatapos this week.