5,782 guests

Niyakap!

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 538

NANAWAGAN si Lovi Poe sa sinakyang airline via her Twitter account sa luggage na hindi pa nadi-deliver sa kanyang hotel sa Havana, Cuba.

Nakapasyal na nga ang Premiere Actress sa streets of old Havana pero waley pa rin ang bagahe niya, huh!

Kasama ni Lovi ang kapareha sa GMA series na Someone To Watch Over Me na si Tom Rodriguez sa bakasyon sa Cuba. Okay na sana ang lahat kung walang hassle sa nawawalang bagahe ni Lovi, huh!

* * *

NIYAYAKAP na ni Kris Aquino ang bagong realidad ng kanyang buhay, ang pagbili ng equipment para sa kanyang Kris Digital.

Sa post sa Instagram ni Kris, undisclosed ang bansang pinuntahan pero sa comments ng followers niya, nabanggit na sa Hong Kong lumipad si Kris.

Eh, wala nang balita sa TV show na gagawin kaya itong bagong mundo ng digital ang aasikasuhin na ni Kris. Suportado naman siya ng kanyang fans kahit ano’ng gawin niya.
   
Bukod sa pagbili ng gamit kasama ang taga-RS Video, kasama niya ang pamangking si Jiggy Cruz na humahawak ng kanyang food investments.  Mag-iikot din si Kris upang makahanap ng restaurant na puwede niyang dalhin sa Manila.

* * *

KINILIG ang baguhang Kapuso actor na si Ralph Noriega nang makita in person ang crush niyang si Janine Gutierrez sa isang event. Isa si Ralph sa napapanood sa Someone To Watch Over Me.
   
Matapos ang photo-op sa crush, ora-oradang pinost ni Ralph ang picture nila ni Janine sa kanyang Instagram. Hindi naman niya kasi itinatago ang pag-admire sa Kapuso actress.
   
“Yes crush ko siya. Ang masasabi ko lang, sobrang ganda at sobrang bait pa (ni Janine). Nu’ng malaman ko na nandu’n siya sa event, sobrang natuwa ako dahil sa wakas makikita ko na siya. Matagal ko nang wish na makita siya. Nagkatotoo na ’yung wish na ’yun, and may picture pa,” chika ni Ralph.