5,609 guests

Press, tinakbuhan ni Ellen

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 560

Richard, nainsulto sa rason ng MMFF screening committee

Umiwas nang bonggang-bongga si Ellen Adarna na sagutin ang tanong ng entertainment press kung ano ang real score sa kanila ng presidential son na si Baste Duterte sa presscon ng bago niyang serye sa ABS-CBN na Langit Lupa last Wednesday.

“Ah... that is not... ah... ah...,” ganu’n lang ang naisagot ni Ellen nang tanungin  tungkol sa tsismis sa kanila ni Baste.
   
Tumalikod si Ellen at iniwan na ang entertainment press na marami pa sanang katanungan sa kanya.  Naiwan na lang kaming nagtataka kung ano ang mahirap sa tanong at hindi kayang sagutin ng sexy actress.
   
She could have just explained her side kung ano ba talaga ang totoo instead na tumakbo. Kumbaga, binibigyan nga siya ng press ng chance na linawin ang lahat para huwag nang magkaroon pa ng mga maling haka-haka o ispekulasyon pero siya itong hindi nagbigay ng chance sa sarili niya.
   
Samantala, pagkatapos ng napaka-hot at sexy role sa Pasion de Amor, wholesome naman si Ellen sa Langit Lupa dahil pambatang teleserye ito na ieere sa morning slot ng ABS-CBN starting on Monday (Nov. 28), kapalit ng Be My Lady.
   
Sa Q&A portion, natanong ang sexy actress kung malaking adjustment ba ito for her at say niya, “Kasi, nag-The Greatest Love ako, nanay ako doon.”
   
Hindi ba siya nanibago sa role niya ngayon since puro bata naman ang kasama niya?
   
“Actually, hindi naman po kasi sanay ako sa mga bata. Ako ’yung eldest (sa family), so, growing up, inalagaan ko ’yung mga kapatid ko rin. I have four younger brothers,” sey ni Ellen.
   
Hindi niya hinahanap ang mga pagpapa-sexy niya?
   
“Hindi. Actually, mas gusto ko nga, eh. Ang hirap kayang magpa-sexy,” natatawa niyang sabi.
   
So, ayaw na niyang magpa-sexy?
   
“Hindi naman sa ayaw ko. Mahirap magpa-sexy, ’yun lang. Alam naman ng lahat ’yan, mahirap magpa-sexy.”
   
Sa Langit Lupa, si Patrick Garcia ang kanyang love interest at medyo scheming  siya rito.
   
Ang nakakatuwa, habang tinatanong si Ellen, nag-ring ang cellphone niya at parang kinilig siya nang makita ang tumatawag.
   
“Ay sh*t, nag-ring ang phone ko! Sorry, sorry po,” say niyang tumatawa na parang nahihiya at kinikilig.

Si Baste kaya ang tumawag?
   
Anyway, ang Langit Lupa ay pinagbibidahan ng dalawang child stars na sina Yesha Camille at Xia Vigor. Aside from Ellen and Patrick, kasama rin dito sina Yam Concepcion, Jason Abalos, Tommy Esguerra, Miho Nashida, Jairus Aquino, Sharlene San Pedro, Buboy Garovillo, Viveika Ravanes at Kitkat.
   
Ang mga direktor ay sina Carlo Po Artillaga at Myla Ajero-Gaite.

* * *

“I disagree,” sabi ni Richard Yap sa ibinigay na dahilan ng selection committee sa Metro Manila Film Festival 2016 na sa kalidad ng pelikula bumase sa pagpili ng  official entries.
   
Si Richard ang bida sa Mano Po 7: Chinoy ng Regal Entertainment na hindi nakapasok bilang official entry sa MMFF 2016.
   
Aminado ang aktor na medyo insulto at offensive on their part na sabihing quality ang pinagbasehan dahil ibig sabihin, hindi quality ang kanilang pelikula.
   
“Parang I think na it’s not the right word to say. Maybe it’s a different criteria. Hindi siguro sa quality, kasi hindi naman namin ginawa ito na parang basta-basta lang, gagawin mo lang.
   
“I think, we also put in as much quality as we can into this film, we did everything we can, ginastusan din ito nila Mother (Lily Monteverde) sa Regal. Para maging authentic lahat, we even went to Taiwan.
   
“So, in terms of quality, I think, hindi naman kami talo ro’n,” pahayag ni Richard sa grand presscon ng MP7 last Tuesday.
   
Mano Po 7: Chinoy is showing on Dec. 14.