4,666 guests

Zia, sa Tagaytay nag-celebrate ng birthday

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 884

Marian, niregaluhan ng int’l bag designer

Pauleen, papasang publicist ni Bossing Vic

Tinupad nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang nabanggit bago ang November 23 birthday ng daughter nilang si Zia na simple ang magiging celebration.
   
Sa paniwala ng mag-asawa, hindi pa mai-enjoy ng anak kung magpapa-party sila at wala pa itong maaalala.
   
Sa Sonya’s Garden sa Tagaytay pumunta ang mag-anak to celebrate Zia’s first birthday at may paliwanag dito si Dingdong.
   
“We celebrated her first birthday in the same place where we had our first date 8 years ago. #HappyZDay #MariaLetizia.”
   
May birthday message rin si Marian kay Zia: “Happy birthday, Anak. Mahal na mahal ka namin ng Tatay mo. Nawa’y lumaki ka na maging isang mabuting tao at mapagmahal sa iyong kapwa. Kasabay ng iyong kaarawan ay ipinapapasalamat ko rin ang isang taon ko na pagbibigay ng gatas sa iyo. #PurelyBreastfeed.”
   
Isang painting nina Marian at ni Zia ang birthday gift ni Dingdong sa kanyang mag-ina at may message na: “Hinding-hindi ko nakakalimutan ang sakripisyo mo para sa anak natin. I am so proud of you! I appreciate your efforts very much!”
   
Samantala, para na ring si Dingdong ang nag-birthday dahil sa dalawang regalong natanggap na may kinalaman sa kanyang career.
   
Ito ay ang pagiging box-office hit ng Star Cinema movie na The Unmarried Wife.
   
Kasabay nito ang mataas na rating ng action series niyang Alyas Robin Hood.

* * *

May pinost na letter si Marian galing kay Lana Marks na gumagawa ng handbags at sa tono ng sulat, binigyan si Marian ng handbag.
   
Sabi sa letter: “Here’s an addition to your wonderful  collection. Congratulations on being the first Filipina to own this handbag. The Princess Diana. With my warmest personal wishes, your new friend and designer, Lana Marks.”
   
Sa Instagram (IG) ng Lana Marks, may picture ni Marian katabi ang isang Lana Marks handbag, ’yun yata ang nakita ng mga taga-Lana Marks kaya pinadalhan ng handbag ang aktres.
   
Based sa Palm Beach, Florida, ang Lana Marks.
   
’Katuwa pala na “litanya” ang tawag ni Marian sa message sa kanya ni Dingdong sa one year na pagbi-breastfeed niya kay Zia at sa sakripisyo niya para personal na alagaan ang kanilang anak.

“Iyan ang litanya ng asawa ko bago niya ibigay ang painting na ’yan sa akin kanina lang pagkauwi namin from Tagaytay. Mahal, salamat sa regalong ito. Sobrang naantig mo ako. Haaay, ang sarap mabuhay na kasama kayong dalawa. Thank you LORD.”

* * *

Papasang publicist si Pauleen Luna dahil masipag mag-post ng update sa pelikula ni Vic Sotto na Enteng Kabisote 10 and the Abangers.
   
Sa kanya namin nalamang ipalalabas ang pelikula way ahead of the MMFF at sa kanya rin namin nalamang sa November 30 na ang showing ng pelikula.
   
Three times na rin pinost ni Pauleen ang poster ng pelikula ng asawa at laging may paalalang panoorin ito.        
   
May special participation si Pauleen sa movie.
   
Ang daming cast ng Enteng Kabisote, ibig sabihin, maraming natulungan sina Vic, Tony Tuviera at Orly Ilacad sa mga artista, lalo na ’yung walang gaanong trabaho.
   
Sa rami ng cast, masaya sana sa Parade of Stars, kaso nga hindi napili sa MMFF ang movie, kaya wala ring paradang aasahan ang cast.
   
May special participation din sa movie sina Alden Richards at Maine Mendoza, na nangakong susuportahan ang Enteng Kabisote kahit napaaga ang showing.

* * *

Para saan kaya ang Facebook post ni Sharon Cuneta na nanghihingi ng prayers?
   
“Life is complicated. Some major decisions to make that have nothing to do w/ work. Please say a prayer for me... thanks.”
   
May nag-comment na baka dahil sa pagiging anti-Marcos ni Sen. Kiko Pangilinan ang post si Sharon na ninong nila nang ikasal sila ni Gabby Concepcion.   Anuman ang problema ni Sharon, tinulungan na siyang magdasal ng kanyang followers.

* * *

Hindi natakot si Enchong Dee na kuyugin ng pro-Marcos nang i-tweet ang “I strongly stick to my statement before... marcos will always be a #THIEF #MURDERER #DICTATOR #marcosNotAHero.”
   
Nabanggit nito sa presscon ng Mano Po 7: Chinoy  na kung wala lang siyang trabaho today, sasama siya sa Black Friday Protest Rally.
   
Ganu’n siya karubob sa kanyang ipinaglalaban at kung may mga susunod pang rally at libre siya, tiyak na sasama raw siya.
   
Hindi naniniwala si Enchong na maaapektuhan ang pagiging artista sa kanyang ipinaglalaban.
   
“Priority ko ang pagiging Filipino bago ang pagiging artista. I’m first a Filipino and second lang ang pagiging artista ko,” sabi niya.
   
Anyway, masaya si Enchong na mapasama sa cast ng Mano Po 7 dahil pinanood niya ang mga naunang pelikula.
   
Kasama rin siguro sa tuwa niya ang muling maka-kissing scene si Jessy Mendiola. Take three kinunan ni Director Ian Loreños ang eksena dahil different angles kinunan.
   
Sa December 14 ang showing ng Mano Po 7 at game si Enchong sa mga plano ni Mother Lily Monteverde sa promo ng movie pati ang naisip na parada.