7,143 guests

US visa, mailap pa rin kay Robin

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 397
Robin Padilla Robin Padilla

si Robin Padilla lamang ang masusunod ay gustung-gusto na niyang makalipad ng Amerika para yakapin ang kanyang mag-inang Mariel Rodriguez-Padilla at bagong silang na si Maria Isabella Padilla. Pero hindi ganoon kadali ang lahat dahil hanggang ngayon kahit nabigyan na ng absolute pardon si Robin ni Pangulong Digong Duterte ay tila mailap pa rin ang pagbibigay sa kanya ng US visa.

Ganunpaman, nananatili pa ring positibo si Binoe (Padilla) na makakamtam din niya ito in due time tulad ng kanyang matiyagang paghihintay ng kanyang pinakakaasam-asam na executive clemency mula sa Pangulo.

Mabuti na lamang at may social media na na malaki ang naitutulong na maibsan ang pangungulila sa isa’t isa ng mag-asawang Robin at Mariel.

Naging makahulugan din para kay Robin ang kanyang ika-47th birthday last November 23 dahil sa pagsilang ng first baby nila ni Mariel at ang pagbibigay sa kanya ng absolute pardon ni Pangulong Duterte, dalawang mahahalagang regalo na hinding-hindi niya makakalimutan kailanman.

‘MANO PO,’ PRE-CHRISTMAS OFFERING NA

SA December 14 na ipapalabas sa mga sinehan nationwide ang  pelikulang “Mano Po 7: Chinoy” na pinangungunahan ni Richard Yap na dinirek ni Ian Lorenos under Regal Films.  Ito bale ang pampito sa matagumpay na franchise na parating kalahok sa taunang Metro Manila Film Festival.  Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi pumasok ang “Mano Po 7: Chinoy” sa ika-42nd Metro Manila Film Festival kaya nag-desisyon ang Regal martriach na si Mother Lily Monteverde at anak nitong si Roselle Monteverde na ipalabas ito bago pa man magsimula ang MMFF.
   
Magsisilbing pre-Christmas offering ang “Mano Po 7:Chinoy” on November 14 na tinatampukan din nina Jean Garcia, Jake Cuenca, Enchong Dee, Jessy Mendiola, Janella, Jana Agoncillo, Marlo Mortel and Kean Cipriano at dinirek ni Ian Lorenos.

KAHIHINATNAN NG MMFF 2016, NAKAKAKABA

INDEPENDENT ang  bumubuo ng selection committee ng Metro Manila Film Festival kaya wala umanong magawa ang pamunuan ng MMFF sa lineup ng mga pelikulang kalahok sa 2016 MMFF na pawang mga indie films.
   
Mukhang hindi na nawawala ang kontrobersiya sa MMFF na ang pinakamatindi ay ang 1994 scam  sa Gabi ng Parangal.  Naging very controversial din ang MMFF noong isang taon dahil sa pangi-isnab nito na mapasama ang “Honor Thy Father” movie ni John Lloyd Cruz na dinirek ni Erik Matti under Reality Entertainment sa Best Picture category.  At ngayon naman dahil sa pagkaka-itsa-pwera ng mga major movie nina Vic Sotto, Vice Ganda, Coco Martin, Vhong Navarro at Richard Yap.
   
Although sa December 23 magsisimula ang Parada ng mga Artista na may mag nagsasabing lalangawin umano at sa December 25 ang simula ng labanan ng walong pelikulang kalahok, pre-empted na ito ng apat na major movie na niligwak ng MMFF selection committee.
   
Sabay na ipalalabas on November 30 ang magkahiwalay na pelikula nina Vic Sotto at nina Vice Ganda at Coco Martin na “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” at ang “The Super Parental Guardians”.  Sa December 7 naman nakatakdang ipalabas ang “Mang Kepweng Returns” ni Vhong Navarro at sa December 14 ang “Mano Po 7: Chinoy” ni Richard Yap ng Regal Films.
   
Since ang MMFF ay sa Metro Manila lamang, hindi nito saklaw ang mga provincial theaters kaya ang malalakas na pelikula na magsu-showing from Nov. 30 to December 14 ay puwedeng mag-extend sa mga probinsiya at walang pagkakataon na makuha ng MMFF movies unless malakas ang mga ito sa takilya.
   
Ang obserbasyon ng marami, magkakaroon ng pre-Christmas mini-filmfest ang apat na malalaking pelikula na pare-parehong ibinasura ng MMFF selection committee.
   
How sad!

ALONZO, NALUNGKOT

NALUNGKOT ang child star na si Alonzo Muhlach na hindi na siya muling makasasakay sa float sa araw ng parada ng mga artista on December 23 tulad ng kanyang ginawa noong 2014 at 2015 MMFF.
   
Gayunman, masaya pa rin ang bunso ng dating child wonder na si Niño Muhlach dahil mapapanood na rin niya ang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” na pinagbibidahan ni Vic Sotto at kung saan siya kasama on November 30 dahil ito’y holiday at wala siyang pasok sa school.
   
Noong isang taon naman ay nakasama ni Alonzo sina Vice Ganda at Coco Martin sa “Beauty and the Bestie”.
   
“Miss ko na rin po sina Ate Vice (Ganda) at Kuya Coco,” pahayag ni Alonzo who is reunited with his Tito Vic and good friend Ryzza Mae Dizon in “Enteng Kabisote 10 & the Abangers”.

PELIKULA NI VHONG, IPINAGMAMALAKI

HINDI man nakapasok sa Metro Manila Film Festival ang kauna-unahang proyekto ng Cineko Productions, ang “Mang Kepweng Returns” na pinagbibidahan ni Vhong Navarro at direksiyon ni GB Sampedro, umaasa pa rin ang mga bagong young movie producers na tatangkilikin pa rin ng mga manonood ang movie ni Vhong na nakatakdang ipalabas sa December 7, three weeks bago ang pagsisimula ng 2016 MMFF on December 25.
   
“We have a good playdate and we believe in our product,” pagmamalaki ni  Michelle Diolola na isa sa mga young producers ng Cineko Productions.
   
“Alam naming magi-enjoy ang mga manonood sa movie ni Vhong,” dugtong naman ni Ladylyne Ilao, ang sa pang young producer.