4,802 guests

Umiyak!

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 446

Mother Lily: There is a time for indie movies, Christmas is for the family

We did everything possible para maging worthy sa MMFF -- Richard

Dahil hindi napili sa Metro Manila Film Festival 2016, uunahan na ng Mano Po 7: Chinoy ang festival dahil ipalalabas na ang pelikula sa Dec. 14.

Sa grand mediacon kahapon, ipinahayag ni Mother Lily Monteverde ang kalungkutan na hindi napasama sa MMFF ang movie.
   
“Of course, I feel so sad. When I heard about it, talagang umiyak ako. Quietly, I cried. Talagang it’s there already. Wala na tayong ano (magagawa),” pahayag niya.
   
Ayon naman sa isa sa mga bida na si Richard Yap, “Of course, nalulungkot kaming lahat na hindi kami nakasali ro’n because we did everything possible para maging worthy siya sa MMFF na entry.
   
“But we can’t do anything about it kasi ’yun ang desisyon nila, so, we just have to live with it and do our best by showing this before the MMFF. Para maging masaya pa rin naman ang mga tao kahit hindi kami kasali sa festival.”
   
Malaki rin ang panghihinayang ng direktor na si Ian Loreños, lalo pa nga’t first mainstream film niya ito.
   
“More of panghihinayang ang pakiramdam. Mas nalungkot ako nu’ng inisip ko ’yung mararamdaman ng staff kasi sila ’yung pinaka-excited about going to MMFF.
   
“Pero gaya ng sabi ni Richard, we just have to move on, we just have to make our best para gawing blockbuster ’to and ginawa naman namin ang best namin para ma-appreciate ito ng audience at ng screening committee (ng MMff).
   
“Pero ang main goal namin is just to make a good film and when people lead to cinema, they will learn something from it,” pahayag ni Direk Ian.
   
Nakarating naman kay Mother Lily ang balita na muntik nang makapasok ang Mano Po 7 dahil naglalaro umano sa numbers eight at nine ang pelikula.
   
Eventually nga, hindi ito nakasama.
   
“It’s sayang. After this year, (in) next year’s festival, sana they’ll understand. It’s not that I’m teaching them, it’s something that... all this poor people like C, D, E (crowd), like ’yung carpenters, mga tao that they belong to this level of C, D, E, meron silang bonus.
   
“Once they get their bonus, they bring the whole family to the movies to watch the GP (General Patronage). Kasi sayang lang, nanghinayang ako sa mga bata. This is a family movie.
   
“But anyway, let’s hope next year, entire system should be changed,” saad pa ni Mother Lily.
   
Nilinaw din ng Regal matriarch na hindi siya against sa indie (independent films) na pawang nakapasok sa MMFF.
   
“I don’t think against indie movies because I was the original (producer of indie films) like Lav Diaz, Jeffrey Jeturian, lahat sila. We also had a festival. You still remember?
   
“But you know, there is a time for the indie movies but not Christmas season. Christmas is for the family,” pahayag ni Mother Lily.
   
Star-studded ang Mano Po 7: Chinoy dahil aside from Richard, kasama rin sa movie sina Jean Garcia, Jessy Mendiola, Enchong Dee, Jake Cuenca, Janella Salvador, Kean Cipriano at Jana Agoncillo.