7,324 guests

Erich, Daniel: Kasalan sa tunay na buhay, kasunod na?

  • Written by Remy Umerez
  • Published in Showbiz
  • Read: 347
Erich Gonzales & Daniel Matsunaga Erich Gonzales & Daniel Matsunaga

na ang feel-good teleseryeng “Be My Lady” na tumakbo ng halos isang taon at walang sawang sinubaybayan ng buong pamilya.

Ang panunuyong ginawa ni Phil (Daniel Matsunaga) kay Pinang (Erich Gonzales) ay isang pagbuhay sa ating lumang tradisyon na wari’y ibinaon na sa limot.  Nang dahil sa positive influence na idinulot ng teleserye on the viewers ay kinilala ang “Be My Lady” bilang best drama series ng Catholic Mass Media.

The entire cast is thankful to be a partof an inspiring teleserye na nag-trending nang husto sa social media. Some good things never last as the lyrics of a song go. To extend the teleserye ngayong mag-asawa na sina Phil at Pinang is one option para ma-extend ang teleserye. But director Ruel Bayani prefers to end the teleserye habang consistently high ang rating nito. “I don’t like stretching a story dahil mapupuna din ito ng mga tagasubaybay. We are happy that we reached the peak, achieved our goal at gusto naming maalala kami na one of the most successful television series of 2016.”

Ang tanong: Sa kasalan din kaya mauwi ang off cam love story nina Daniel at Erich whose eyes sparkle during the presscon?

MAJOR PRODUCERS WORRIED ABOUT MMFF 2016

THE official entries for the annual MMFF ay inihayag na and many are not happy with the results. Commercial films are out at ang tinutukan ng screening committee ay pawang so-called de kalidad na gawa  ng independent producers. Nagdiriwang ang mga young indie  filmmaker habang nakasimangut ang datihang suki ng festival. Taun-taon pa namang pinaghahandaan ng major movie companies ang event na ito.
   
A worried veteran producer quipped: “Hindi raw malawak ang market ng indie films at mabibilang mo sa daliri ang nagtagumpay sa takilya tulad ng ‘Heneral Luna.’ Baka raw ngayon lang kung saka-sakali in the long history of MMFF ay maging flop (lalo na sa box-office returns) ang pagdiriwang.”

DINGDONG DELIVERS STERLING PERFORMANCE

ANO pa ba ang twist na pwedeng gawin in a triangle love story? Kung sabagay, malayo na ang inilakbay nito since the days of Eddie Rodriguez, Lolita Rodriguez at Marlene Dauden noong dekada 60.
   
For one, maganda ang star combination at inaabangan ang hugot lines.
   
Hindi lamang hugot lines ang pambato ng “The Unmarried Wife.” Sulit na sulit ang acting na ipinamalas ng lead stars lalung-lalo na si Dingdong Dantes. As an erring husband, he delivers one of his finest performances to date. Dapat lang sigurong pasalamatan niya si direk  Maryo J. Delos Reyes na ginabayan siya nang husto in portraying the role.