5,131 guests

Gabby, boto sa bagong BF ni KC

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 741

KILALA na ni Gabby Concepcion ang boyfriend ng anak na si KC, si Aly Borromeo. Boto naman siya rito.

“Maski sino, okey sa akin basta happy sila. Masaya. Go ako. Support ako sa kanila kahit na ano ang gusto nilang gawin. Kung gusto nilang maging single for the rest of their lives, okay lang sa akin.

“Mabait siya (Aly). Okay siya. Tinatawagan niya ako, niyaya niya akong lumabas. Dinner kami. Parang another feather in his cap ’yon. Panalo na naman. Kasama si KC.
   
“But he went out of his way. Parang nagulat ako. Eh, nu’ng binabayaran ko na ’yung bill, bayad na pala,” chika ni Gabby.
   
“Never kasing nangyari sa akin ’yon. First time, so I felt na… Nakita ko naman ang sincerity niya. Kung paano siya makipag-usap. Saka ’yung family nila, taga-San Juan din. San Juan-Mandaluyong actually. So ’yung parents ko kilala rin sila,” dagdag pa ni Gabo kay Aly.
   
Ayaw naman niyang ikumpara si Aly sa past boyfriends ng anak.
   
“Si KC parati namang happy ’yon eh. Nalalaman ko na lang na wala na siyang relationships. Siyempre wala na rin ako roon.
   
“Ako, nanghihinayang sa bawat separation. Siyempre nandoon ’yung happy moments na wala na. Ito kasi, nakikita ko na masaya siya. Importante basta happy sila,” katwiran ni Gabby na nasa cast ng GMA afternoon drama na Ika-6 na Utos.

* * *

HIGHLY qualified si Atty. Persida Acosta para mapili bilang isa sa uupong Associate Justice ng Supreme Court. Hindi man niya pinangarap maging judge o justice, eh, sa tinatakbo ng karera niya, doon din siya papunta.
   
Maging ang pagiging chief ng Public Attorneys Office, hindi inakala ni Atty. Acosta na siya ang maa-appoint sa posisyon. Eh, dahil nananaig ang pagmamahal niya sa bayan, tinanggap niya ang malaking hamon at nakapag-deliver naman siya.
   
Sa isang get together lunch with the entertainment press, sinabi ng PAO chief na si Senator Juan Miguel Zubiri ang nag-nominate sa kanya sa Judicial Bar & Council. Hindi niya ito natanggihan at siya ang unang in-interview ng JBC.
   
’Yun nga lang, naging kontrobersyal ang ilan niyang pahayag sa same sex marriage, Marcos burial at ’yung parusa sa babaeng guilty ng adultery. Rason niya, maiksi raw ang oras kaya hindi na niya  naipaliwanag ang gusto niyang iparating.
   
Para sa kanya, ang batas ang sandigan niya sa bawat desisyon. So kahit mabagsik ang batas, kanyang ipatutupad ’yon.
   
Kung sakaling mapipili ni President Duterte, magsisilbing coming home ni Atty. Persida ang Supreme Court na unang pinaglingkuran. Saka 4th placer sa 1989 BAR exams si Atty. Acosta kaya walang kaduda-dudang alam niya ang batas, huh!