12,009 guests

TJ, bata pa lang sanay na sa bading

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 341

“Maraming adjustments sa simula pa lang. Every shooting day kailangan may mga 6 to 8 takes ako bago magawa ko nang tama ’yung eksena.”

Ito ang naging pag-amin ni TJ Trinidad sa naging karanasan niya habang ginagawa ang pelikulang Working Beks ng Viva Films na showing sa Miyerkules, Nov. 23.
   
“Kasi ano, eh, hindi ako sanay. Kahit niri-rehearse ko nang niri-rehearse pagdating sa execution, I need a little more time. Pero ’pag ano na, ’pag nasa groove na ako, nakukuha ko naman,” dagdag pa niya.
   
Dahil gay ang role niya sa Working Beks, tinanong namin si TJ kung homophobic ba siya.
   
Sagot niya, “Ah, hindi. Siguro I started doing commercials mga 8 years old. And you know, at that age you’re exposed to it (mga gays), tapos wala naman akong naranasan na parang konting takot. Wala ring harassment,”
   
Nag-hesitate ba siya na tanggapin ang role?
   
“Nu’ng binigay sa akin at nabasa ko ’yung script wala namang second thought. Kasi si Direk Chris, I’ve worked with him before, magaling na director ’yan. Maganda ’yung script, that’s all I needed to know. Tapos ano lang, I just needed talaga to work with Direk Chris para eksakto ’yung galaw ko,” sey pa ni TJ.
   
Kasama ni TJ sa pelikula sina John Lapus, EA Guzman,  Prince Stefan at Joey Paras.