7,029 guests

Lotlot, wala raw kinalaman sa hiwalayang Janine-Elmo

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 583

LOTLOT de Leon swears na wala siyang kinalaman ni katiting daw, ha, sa hiwalayang naganap between her daughter Janine Gutierrez and Elmo Magalona. 

Kunsabagay nga naman, Janine has a mind of her own na, since she’s already 27 years old and a college graduate na from the Ateneo de Manila University, no less. 

If affected si Janine with the breakup, ’di rin masabi ni Lotlot, unless magsabi nga naman ito sa kanya na may problema siya. She doesn’t dare daw na magtanong din.        
   
As she said: she lets her children decide for themselves lalo na kung personal.        
   
Tatlong babae, sina Janine, Maxine at Jessica at isang lalaki, si Diego, ang anak niya kay Ramon Christopher Gutierrez, with whom she is estranged. Proud daw siya na pare-parehong matured mag-handle ng kanilang sarili ang kanyang apat na anak.
   
Janine has just joined the cast of Encantadia. Well, Elmo, we heard, will soon again star in a new series with Janella Salvador as his leading lady.
   
Unlike in Born For You, their first team-up, na reportedly didn’t do the ratings, as expected, the Janella-Elmo starrer sa ilang episodes ng long-running series, Wansapanataym, did.
   
Kaya inspired daw ang Dreamscape Television Entertainment headed by Deo Endrinal to create a new soap for them.

* * *

Wow, Ian F., usap-usapan na ngayon among the frequent viewers ng reality program na Pinoy Boyband Superstar on ABS-CBN, kung sinu-sino among the now 10 finalists ang mapipiling lima who will make up the first boy band in the country.
   
Actually, walang puwedeng itulak-kabigin kahit noong pawang auditioners pa lamang sila. Nakikita mong may potential halos lahat. Young as they all are, wika nga. At higit sa lahat, ang enthusiasm nila to make it.
   
Well, from among the 10 finalists where the five members of the boy band will finally be chosen, isa sa favorite naming ay si Joao Constancio. Na ’di man gaanong napakahusay umawit, sobra naman ang appeal lalo na sa girl audience ng programa.

Type din naming si Russel Reyes at si Niel Murillo.

Okay din naman si Tristan Ramirez, as he is tall, fair skinned and handsome. Ang ganda rin ng dahilan why he is eager na mapasali sa Pinoy Boyband Superstar. Ito raw ang nakikita niyang paraan para maiahon sa hirap ang kanyang pamilya.
   
Isang yaya ng maliit na anak ng mayamang mag-asawa sa Ayala Alabang ang kanyang ina. Ibig niya raw na sila na lamang na magkakapatid ang asikasuhin ng kanilang ina.
   
Tristan, though, is 23 years old.
   
If Tony Labruasca’s family name sounds familiar, it is because his father Boom Labrusca, is supporting roles in shows ng ABS-CBN.
   
His mom, we heard, used to be part of a singing group.

* * *

Tanong lang: Totoo kaya ang sa kasalukuyan daw ay may pinagpipiyestahan na shocking photo ng Hashtags member na si Ronnie Alonte, na diumano’y nakabukaka ito and displaying flamboyantly his ‘you-know-what?’
   
Ronnie will soon be seen sa TV  since isa sa 8  entries na napili for this year’s Metro Manila Film  Festival  (MMFF) ay ang pelikula nila nina Joshua Garcia at Julia Barreto na Vince & Kath & James.
   
A Star Cinema movie, it has Ted Boborol at the helm.