5,922 guests

Erich, ’di pa sure sa detalye ng wedding nila ni Daniel

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 321
Daniel Matsunaga and Erich Gonzalez Daniel Matsunaga and Erich Gonzalez

Naere na nga ang bonggang kasalan nina Phil (Daniel Matsunaga) and Pinang (Erich Gonzalez) sa Be My Lady na talaga namang pinuri-puri ng manonood dahil sa makatotohanan nilang pagganap lalo na sa eksenang ipinapahayag nila ang kanilang wedding vows.

Kaya naman sa grand finale presscon ng BML na ginanap last Friday, nata-nong ang reel and real loveteam kung na-imagine din ba nila ang sarili sa ganu’ng eksena in real life.

“Of course we get that feeling and we are also into our characters,” sey ni Daniel.

Kung kasal nila sa totoong buhay ang pag-uusapan, ani Daniel ay maiiba raw siguro ito kaysa sa kasal nila sa BML.

“I’m not sure if it’s gonna be really in the church or in the garden, or in a beach, tinanong ko siya pero waiting pa ’yung answer,” pahayag ng Japanese-Brazilian actor.

Habang kinukunan daw ang wedding scene nila sa BML ay nalungkot din sila at naging emosyonal seeing all the cast and the thought na malapit nang matapos ang seryeng isang taon din nilang pinagsamahan.
   
“It was one of the times that we had everyone together, ’di ba? And we had all the emotions going on including malapit nang matapos, ’di ba? Two weeks na lang.
   
“And at the same time, you see the love of your life, your real girlfriend entering, ’di ba? Kaya super-real na real ang mga emotions namin kaya iyak nang iyak kami nu’ng umpisa,” he said.
   
Ayon naman kay Erich nang matanong kung nasa time frame na ba nila ang pagpapakasal, aniya ay ayaw naman nilang pangunahan ang mga bagay-bagay sa ngayon.
   
“Everything has its time naman so siyempre, when we get there naman, we’ll let you know but as per Phil and Pinang’s wedding, sobrang thankful lang talaga kami sa lahat kasi it’s not easy talaga na gawin ’yung ganu’ng klaseng wedding kasi, unang-una, ’yung hand to mouth kami ngayon, ’yung taping namin, everyday which is like mga 2 hours lang ’yung sleep, and then our location pa is in Pampanga and sobrang dami ng ano... ’Yung weather, sobrang init, pawis, lahat and then ’yung mga insekto, sari-sari ’yan every night.
   
“So, nu’ng napanood na namin, sabi namin, sobrang worth it talaga lahat at ’yung mga feedback ng  viewers like sa social media, sobrang ’yun talaga ang nakakapag-inspire pa sa amin to do our best kasi our goal naman talaga from the beginning was very clear -- to make their mornings a good one and you know, positive -- and so far po, ’yun naman po ang nangyayari so we’re just very grateful and very honored to be part of the show and we will forever treasure this opportunity,” pahayag ni Erich.
   
Sa mga nalalabing episodes ng BML ay ipakikita naman ang journey to forever sa bagong buhay bilang mag-asawa nina Phil and Pinang. Uumpisahan na rin nilang bumuo ng pamilya tulad nga ng nakikita sa trailer na mabubuntis na si Pinang kaya abangan.

‘Septic  Tank 2,’ pang-topgrosser?

Masayang-masaya si Atty. Joji Alonzo ng Quantum Films na isa sa napiling walong official entries ng Metro Manila Film Festival 2016 ang Ang Babae Sa Septic Tank 2 kung saan ay isa siya sa producers.
   
Pinagbibidahan ni Eugene Domingo ang movie at ngayon pa lang ay pinag-uusapan nang napakalaki ng tsansa na ito ang maging top-grosser lalo pa nga’t hindi nakapasok ang mga pelikula nina Vice Ganda at Vic Sotto na taon-taon ay naglalaban for the no.1 slot.
   
Ayon kay Atty. Joji ay may advantages and disadvantages din daw na walang kalabang malalaking pelikula this year.
   
“Kasi, when you have big films, they will entice people to watch films. So makikinabang ka rin doon. ’Pag wala ’yung mga ganu’ng klaseng malalaking pelikula like the usual productions that get in, mangangapa ka rin,” pahayag ng producer.
   
Pero aniya ay hindi pa rin daw natin masasabi kung ano ang magiging outcome sa malaking pagbabagong ito sa MMFF at ayaw daw niyang mag-expect ng anuman sa pelikula although siyempre, natutuwa naman daw siya na this early ay sinasabi nang baka ang Ang Babae Sa Septic Tank ang mag-no.1.
   
“Ayokong mag-expect. Sana, sana,” she said.
   
But is she aming to be no.1?
   
“Ay wala, wala. Ayokong mag-aim ng mga ganyan pagdating sa box-office. Kung panoorin ng tao, salamat. Sana, panoorin nila, kung hindi naman, salamat pa rin, panoorin na lang nila ’yung iba,” natatawa niyang sabi.