4,660 guests

Erich at Daniel, ‘di pa puwedeng magpakasal

  • Written by Chit Ramos
  • Published in Showbiz
  • Read: 624
Erich Gonzales and Daniel Matsunaga Erich Gonzales and Daniel Matsunaga

Gustuhin man nina Erich Gonzales at Daniel Matsunaga na magpakasal na ngayon sa tunay na buhay, tulad ng naganap noong Huwebes sa “Be My Lady,” hindi ito mangyayari in a year or two.

“At least, we had a taste of it,” explain ni Erich habang nakatingin kay Daniel na laging nasa kanyang tabi tuwing makikita natin. “Kahit sa teleserye lang nangyari, na-feel talaga namin. As I always say, siya na talaga ang ‘the one ko’. Wala na talagang iba.

“Lahat ng nangyayari ay swak. Nakakalungkot lang dahil tapos na ang taping namin ng ‘Be My Lady’ pero, masayang-masaya naman kami dahil nagtagal sa ere ang showing nito. Ang galing ng support sa amin ng televiewers. They exceeded our expectations.

“Tapos, may mga blessing pang dumarating which will make ourselves busy. I’d like to think na masuwerte kami sa isa’t isa. We will be given a chance to help our families.

“Daniel is so inspired dahil kasama na niya sa napanaluhan niyang bahay bilang Big Winner sa PBB ang kanyang mom at younger sister. Her sister, Vanessa is married to a Filipino na na-meet niya dito at may pamangkin na siya ngayon. Binibiro ko nga sila na in love talaga sila sa ‘Pinas at mga Pinoy at Pinay.
   
“Nainggit siya sa sister niya. Pero, hindi na ngayon. He has also a Filipina to love ang that’s me,” patuloy niya sabay tawa. “Iyon pa ang isang bagay na lagi naming ginagawa. Tawa ng tawa, dahil, masayang-masaya kami.
   
Kung lucky siya sa akin, ganun din ako sa kanya, I’m also lucky to have him. Ang sarap pa dahil mahal na mahal ako ng Mom at sister niya. My mom is also masaya dahil nararamdaman niya at ng mga kapatid ko na mahal na mahal din sila ni Daniel.”

MAPAPANGASAWA NI JASON, MASUWERTE

MATAGAL-TAGAL na rin nating hindi napapanood sa TV at pelikula si Jason Abalos. Pero, heto at nagbabalik siya sa teleseryeng “Lupa, Langit” na siyang kapalit ng “Be My Lady.” Co-stars niya sina Ellen Adarna, Miho Nishida, at Tommy Esguerra, Jairus Aquino at Sharlene San Pedro, Yam Concepcion at dalawang child actresses.
   
Akala natin, pamilyado na si Jason dahil natagpuan na niya ang kanyang “the one” in housemate Vicky sa Bahay ni Kuya.
   
Come to think of it, naging item din noon sina Jason at Erich. Ang dami nilang ginawang projects, pero, hindi sila nagkatuluyan.
   
Kung masaya si Erich ngayon, masayang-masaya din si Jason. Kahit wala pa si Vicky sa kanyang buhay, naghahanda na noon si Jason sa kanyang future. Hindi niya sinayang ang kanyang pinag-aralan (he is a certified engineer). Nakipag-sosyo siya sa kanyang pinsan at nag-negosyo sila sa pamamagitan ng pag-angkat ng engineering equipment.
   
Mahilig ding mamili ng lupa si Jason, lalo’t malapit ito sa lugar ng mga magulang niya sa kanilang lugar.
   
Tulad ni Erich, masuwerte rin ang mapapangasawa ni Jason dahil hindi lang ito masinop sa buhay kundi mahilig ding magnegosyo.
  
EDWARD AT KISSES, TIYAK NA

TIYAK na ang kapalaran nina Edward Barber at Kisses Delavin sa Pinoy Big Brother Lucky 7 bukas (Linggo) ng gabi. Tanging isa kina MayMay Entrata at Yong Muhajil ang mai-evict at lalabas na sa Bahay ni Kuya.
   
Hindi kami magtataka kung gagawa ng paraan sina Edward at Kisses para maligtas kung sino man sa kanila (Mai Mai o Yong) ang makatatanggap ng mas mababang text votes. Ito’y magdudulot ng matinding kalungkutan hindi lamang kina Edward at Kisses, kundi sa madlang pipol na nakatutok sa kani-kanilang television.
   
Hindi kaya umapela sina Edward at Kisses kay Kuya na tablahin na lang ang votes ng dalawa para maging Magic 4 ang manalo at hindi Magic 3 lamang? Napamahal na sila sa isa’t isa at madudurog ang puso nila kapag ‘mawala’ ang isa at hindi na nila makasama pa.
   
May paraan kaya para dagdagan na lang ni Kisses ang mga text votes ng matatalo? Pero, pumayag naman kaya si Kuya?
   
Minsan na itong ginawa ni Kisses kay Vivoree. Naawa siya kay Vivoree at kumuha siya ng mga bola sa basket niya para idagdag sa mga bolang nasa basket ni Vivoree. Gusto niya “maligtas” sa task ang housemate.
   
Isa sa maraming natutuhan ni Kisses sa Bahay ni Kuya ang pagiging ‘matulungin’ dahil alam niyang mas nakaririwasa siya kaysa kina Vivoree, MaiMai at Yong.
   
Sana’y hindi uli bumaha ng luha at magkaroon ng pag-asang maging masaya kaming masusugid na sumusuporta sa mga reality shows ni Big Brother.