5,653 guests

Aljur, haharapin si Robin

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 405

SI Robin Padilla ang susunod na kakausapin ni Aljur Abrenica ngayong nagkabalikan na sila ni Kylie Padilla. Love is in the air ang drama niya ngayon dahil sa posts niya sa kanyang Instagram account lalo na’t positibo ang feedbacks ng mga tao sa reconciliation nila.

Basta dumating na lang daw sa kanila ’yung feelings na balikan nila ang isa’t isa. Kaya ngayong sila na muli, wala siyang expectations kay Kylie.

“’Yung expectations kasi ang nakakasira, eh. Kung may mahal ka, you have to love unconditionally!” pahayag ni Aljur nang ipainterbyu para sa GMA inter-active rom-com na Usapang Real Love Presents Relationship Goals nila ni Janine Gutierrez.

Kelan niya haharapin si Robin?

“Anytime ’pag gusto niya! ’Pag pinayagan na tayo. Hoy, baka magmukha tayong mayabang, huh! Sabihin ninyo, naghihintay lang ako ng magandang pagkakataon pero ang totoo, kung mababasa niya, ‘Tito Robin, sa tamang  panahon ninyo na makaharap ako, piniprisinta ko ang sarili ko. Hindi naging maganda ang nangyari before pero mahal ko ang anak ninyo!’” deklara ni Aljur.

Sa November 27 ang episode nina Aljur at Janine na mula sa award-winning director na si Lem Lorca.

* * *

DALAGA na ang Kapuso actress na si Gabbi Garcia sa  December 6. Sa pakikipagtulungan sa GMA Artist Center, magkakaroon siya ng debut sa Marriott Hotel na may hashtag na #SincerelyGabbi.
   
Present din daw ang  co-stars niya sa Encantadia at magiging bahagi ng programa. Hindi rin daw mawawala ang ka-loveteam na si Ruru Madrid. Pero hindi siya magsisilbing escort niya sa buong gabi.
   
Tatlong gowns ang isusuot niya at dalawa rito ang gawa ni Mark Bumgarner at ’yung pang-after party ay gawa ni Martin Bautista.
   
“That day, siguro wala muna akong escort. Night ko muna ’yon pero I’m sure Ruru will be given big part on my debut,” sabi ni Gabbi.
   
Sa nakaraang punta sa Boracay ni Gabbi, nagpasilip siya ng alindog niya habang nasa beach. So, palaban din pala siya, huh!
   
“Nasa beach naman ako at sa Encantadia, revealing na rin ang costumes ko. Alam naman ng lahat na nagpapakita na ako ng tiyan pero wala ’yung todong paseksi talaga. Hanggang Instagram lang ’yon,” rason niya.
   
So puwede na siyang sumabak sa mga beauty contest?
   
“Ako po, eversince, pangarap ko talagang mag-beauty contest. Pero right now, focus muna is career. Sayang naman kung bibitawan ko agad ’yung career ko. Pero eventually, oo, gusto ko naman,” katwiran ni Gabbi.
   
Eh kahit 18 years old na next month, hindi si Gabbi ang tipong lalayas na sa poder ng pamilya upang maging independent, huh!

* * *

BINIGYAN ni Willie Revillame ng bagong pag-asa sa buhay ng komedyanteng si Super Tekla na  nasilaw sa kasikatan kaya nalulong sa masamang bisyo at iniwan ng pamilya. Dahil na rin sa pagkapit sa Diyos, naiwaksi ni Tekla ang masasamang bisyo at naging daan upang bigyan siya ng pangalawang pagkakataon ni Willie Revillame.
   
Isa na si Super Tekla sa mga co-host ni Willie sa Wowowin. In fairness, aliw na aliw naman ang televiewers sa kalokahan niya.
   
Si Tekla ay si Romeo Librada sa totoong buhay. Mapapanood ang kuwento ng buhay niya ngayong gabi sa Magpakailanman sa The Happy and Sad Adventures of Tekla: The Romeo Librada Story. Si Jerald Napoles ang gaganap bilang si Super Tekla.