5,842 guests

Kawawa

  • Written by NEL ALEJANDRINO
  • Published in Showbiz
  • Read: 520

Renz, naaaning sa kalagayan ni Mark

Lubhang nalulungkot si Renz Fernandez for half-brother Mark Anthony Fernandez. Balita raw niya, kaawa-awa ang kalagayan nito sa kulungan.

Dalangin ni Renz ay makalaya na ang kapatid. 

Renz and Mark are sons ng namayapa nang action star na si Rudy Fernandez.

* * *

LUTANG na lutang ang ganda ni Angelica Panganiban  sa premiere screening ng The Unmarried Wife, co-starring her with Dingdong Dantes and Paulo Avelino.
   
Kung sabagay, maituturing nga ni Angelica na kanya ang gabing iyon, eve of the opening day ng movie na palabas na sa 200 sinehan nationwide.
   
Not only is she playing the title role, she proved a revelation din with her portrayal of a woman na twice pinagtaksilan ng kanyang asawa (played by Dingdong) at bilang ganti, pumatol sa ibang lalaki (Paulo).
   
Ang ganda ng ending. Tatagos sa puso ng manonood. Maraming makaka-relate, lalaki man o babae.
   
Make sure na mapanood mo, Ian F.

* * *

GAYA ni Mariel Padilla, na nagsilang ng baby girl nila ni Robin Padilla sa Amerika, babae rin ang suspetsa ni Glady Reyes sa ipinagbubuntis.
   
Four months preggy si Gladys sa pang-apat na anak sa asawang si Christopher Roxas.
   
Dalawa ang lalaki nila, sina Kristof at Grant, at may isa nang girl, si Aquisha.

* * *

Kay Direk Mae Cruz-Alviar pala itinoka ng Star Cinema ang pagdidirek ng movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla next year.
   
Bukod sa pelikula, magkakaroon din sila ng series ni Kathryn, ayon kay Daniel.
   
Hindi pa raw sure ng binata ni Karla Estrada kung sino ang magdidirek ng teleserye.
   
In any case, baka dito lang daw sila mag-Pasko sa Pilipinas.