5,330 guests

‘Sobrang saya ko dahil sa ’yo Isabella’

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 712

John, bistado ang mga kloseta sa GMA at ABS-CBN

ganap na ngang ina si Mariel Rodriguez-Padilla dahil nu’ng Nov. 14 sa US (kahapon Nov. 15 sa Pilipinas), iniluwal na ng TV host ang panganay nila ni Robin Padilla na si Maria Isabella.

Si Binoe mismo ang nagbalita ng successful delivery ni Mariel sa kanyang Instagram kahapon ng umaga kasama ang short clip ng panganganak ng misis.
   
Sa post ni Robin, obvious na ovbious na maligayang-maligaya siya kahit na nga wala siya sa tabi ni Mariel dahil hindi pa siya nabibigyan ng US visa.  Nag-post din si Binoe sa kanyang Facebook account at ipinahayag kung gaano siya kasaya ngayon.
   
“Sobrang saya ko dahil sa ’yo Isabella. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman,” aniya.
   
Abut-abot naman ang pagbati sa mag-asawa ng kanilang malalapit na kaibigan, fans at supporters.
   
Lahat ay masaya para sa kanila, lalo na nga kay Mariel, na napakatagal hinintay ang pagkakataong ito.
   
Congrats, Robin and Mariel!

* * *

Sa presscon ng pelikulang Working Beks, natanong ang isa sa bidang si John “Sweet” Lapus kung may kilala siya sa showbiz na mga closet queen na aktor o nagpapanggap na lalaki pero bading.
   
“Kilala ko silang lahat at alam nilang alam ko,” sagot ni Sweet.
   
“So, siguro, nirerespeto nila ako because of the very reason na hindi ko kinukuwento sa inyo, ’di ba? In the same way, nirerespeto ko sila, hindi ko sini-share, so, sila rin, nirerespeto nila ako.
   
“Damang-dama mo naman, eh. In fairness sa mga ’yan (closet queens), most of them are very, very friendly. So, siguro, subukan nilang tarayan tayong mga out, humanda ka, maba-blind item ka the next day or worse, kung matapang ka, papangalanan,” dagdag pa ni Sweet.
   
Ang nakakalokang tanong kay John ng isang katoto ay, “Saan mas maraming gay, sa GMA-7 o sa ABS-CBN?”
   
Sagot ni John, parang tie lang at 6-6.
   
Asked kung kasama ba ang mga singer, sagot ni Sweet, “Ah kasama ba sila? Lamang ang ABS. Kasi agad-agad, plus two ’yun, eh,” natatawa niyang sey.
   
So, ang final answer?
   
“Six-eight,” na ang ibig sabihin, anim ang kloseta sa GMA-7 at walo naman sa ABS-CBN.
   
Tawanan tuloy ang lahat!
   
Of course, without naming names ’yan dahil nga hindi pa naman sila out at sa kanila natin dapat ibigay ang honor ng pag-a-out.
   
Anyway, isa sa tatalakayin ng Working Beks ang mga bading na artistang hindi umaamin at nagpapanggap pa ring lalaki.
   
Ito ang role ni Edgar Allan Guzman habang si Sweet   ay ginagampanan ang papel ni Gorgeous, breadwinner ng pamilya na sinasaktan pa ng magulang.
   
Mula sa direksyon ni Chris Martinez, showing na ang Working Beks sa Nov. 23.