5,493 guests

Helper na nagpakilalang pulis, kalaboso

  • Written by Edd Reyes
  • Published in Metro
  • Read: 193

LALONG bumigat ang kinakaharap na kaso ng 25-anyos na nakamotor na helper na unang sinita ng pulisya nang walang suot na helmet nang magpakilalang pulis kahapon ng umaga sa Malabon City.

Sa halip na matikitan lang dahil sa hindi pagsu-suot ng helmet, kalaboso ang kinasadlakan ni Leo-nardo Pelayo, ng 1301 Torres Bugallon St., Tondo, Manila, matapos akusahan ng usurpation of authority, driving under the influence of liquor at paglabag sa RA 10054 o Motorcycle Helmet Law.
    
Inaalam pa ng pulisya kung kanino nakarehistro ang kulay asul at puting Kymco motorcycle (NC 69277) na minamaneho ni Pelayo na ngayon ay naka-impound sa Malabon Police Traffic Management Unit.