5,400 guests

Nathalie, inuuna ang work kesa boylet

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 435

Ayon sa bida ng Tisay na si Nathalie Hart, naloka ang kanyang Lebanese boyfriend nang patulan niya ang hamon nito na maghiwalay na sila kapag itinuloy niya ang pakikipag-love scene kay JC de Vera sa pelikulang Tisay.

“Siyempre, naloka siya. Sabi ko, hindi, eh. Sa akin, ganito lang ’yon, eh, if I don’t work, ano ’yung panggas-tos ko, ibibigay mo ba sa akin ’yung panggastos ko?
   
“Okey lang sana kung bibigyan mo ako, eh. I mean, in a relationship naman tayo, eh, hindi naman ako random na babae lang, may love and care naman. Pero kung kunyari, sasabihin mo sa akin, ‘huwag kang magtrabaho,’ aba, tumigil ka. Tapos wala kang binibigay sa akin, aba ang kapal ng mukha mo,” dire-diretso niyang pahayag.

Hindi ba siya nanghinayang sa boyfriend na madatung?
   
“Well, ’yung ex ko, he’s very well off naman kaya ayaw niya ako sigurong pagtrabahuhin kasi he’s very conservative. Kaya lang, kung hindi mo naman ako pakakasalan tapos papatigilin mo ako sa trabaho, napakabata ko pa.
   
“Bakit ako  magsasayang ng buhay ko. Eh, paano kung naghiwalay kami after two years, eh, di saan ako pupunta, sa kangkungan? Wala naman akong ipon, ’yung ipon ko puro palabas ngayon kasi maraming gastos, Dyusko day, huwag na lang!” katwiran pa niya.
   
Samantala, bukod sa love scenes ni Nathalie kay JC, meron din silang intense scene ni Joel Torre at do’n daw siya mas nahirapan.
   
“Nakaka-pressure lang kasi ’pag kaharap mo na siya tapos his role is this crazy bipolar man, tapos biglang hahalikan ka, so parang ‘ha!’ Nu’ng time na ’yon, I just do it, wala na akong pakialam, eh. Nu’ng una, talagang na-intimidate ako, pero nu’ng mga sumunod naming eksena, okey na,” kuwento niya.
   
Kasali ang Tisay sa Cinema One Originals festival na nagsimula  na nu’ng Nov. 14 at matatapos sa Nov. 22.

* * *

HINDI lang pala mga datihan nang ramp model ang pasok sa finalist ng 2016 Bodyshots. Meron din pala silang finalist na isang proud farmer from San Jose City, Nueva Ecija na ang name ay  Renz Maun na candidate no. 14.
   
Si Renz ay graduate ng Bachelor of Science in Agriculture major in Animal Science sa Central Luzon State University. Gusto sana niyang maging veterinarian pero kinapos na raw sila sa budget.
   
Anyway, kahit isang magsasaka, masaya si Renz sa pagtatrabaho sa bukid. Ayon sa kuwento niya sa amin, sari-saring gulay ang kanilang itinatanim sa bukid at meron din silang puwesto ng nanay niya sa palengke.
   
Renz is 6 feet tall, edad 22 at proud sa kanyang kulay kayumanggi.