7,892 guests

Batikang radio anchors, naglipatan na sa DZRJ!

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 525
Jimmy, Sir Tsip, Neil & Gani Jimmy, Sir Tsip, Neil & Gani

Hindi na mapigil sa pag-arangkada ang 8 TriMedia Broadcasting Network dahil kabahagi na rin ng naturang network ang mga batikang brodkaster na sina Gani Oro, Samuel ‘Sir Tsip’ Pagdilao, Jimmy Morato at Neil Ocampo.

Mula sa pinangga-lingang DZMM, CNN Philippines at TV5, kasama na rin sa hanay ng mga nire-respeto at seasoned anchors ng 8 TriMedia si Gani Oro. Mapapakinggan at mapapanood ang kanyang programang Oro Mismo mula Lunes hanggang Biyernes sa ganap na 3-4 p.m.

Ang former actor naman na si Jimmy Morato na ngayon nga ay isa nang batikang mamamahayag sa radio na naglingkod ng lampas dalawang dekada sa DWIZ ay kapamilya na rin ng 8 TriMedia. Sumasahimpapawid naman ang kanyang pro­gramang Chachahin Mo Baby araw-araw tuwing 4 to 5 p.m.

Ang tinagurian na­mang Sir Tsip ng himpa­pawid na si Gen. Samuel Pagdilao ay umeere ang programa tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, 5 to 6 p.m. Nakilala bilang may mataas na katung­kulan sa PNP at AFP, ngayon ay isa nang mapag­kakatiwalaan at maaasa­hang brodkaster.

Samantalang ang bati­kang tagapagsalita at radio anchor na si Neil Ocampo na nagsilbi ng maraming taon sa DZMM ay nasa 8 TriMedia na rin. Ang programa niyang Todo Arangkada ay umeere naman Lunes hanggang Biyernes, 8 to 10 a.m.

Ang kanilang mga pro­grama ay sabayang napapakinggan sa DZRJ 810 AM, CableLink Channel 7 at live streaming sa www.8trimedia.com.
   
Samantala, hindi na talaga papipigil at hindi na paaawat sa patuloy na tagumpay ang 8 TriMedia Broadcasting Network. Sa katunayan, nasa Top 10 bilang pinakikinggang istasyon ang DZRJ AM na partner ng naturang network.

Jobert, biglang yaman kaya nalulong sa droga

Aminado ang komed­yan­teng si Jobert Austria ng Banana Sundae  na dahil sa pagkalulong sa drugs kaya siya nawalan ng trabaho noon.
   
“Hindi ko naman iti­natago ’yon. At least kahit papaano, ngayon kaya kong sabihin na puwede akong maging ehemplo nu’ng ibang mga gu­magamit, ’di ba, na ‘oh, kaya palang magbago,’” pahayag ng komedyante.
  
Napakalaking tulong daw ng mga artistang kasama niya sa Banana Sundae na nagdiriwang ng kanilang 8th anniversary sa kanyang naging pag­babago.
   
“Laking tulong po talaga nila. Kung alam ko lang na ganito (sila kasa­yang kasama), hindi na ako nagpa-rehab, dito na lang ako nagpa-rehab,” biro pa niya.
   
Inamin din ni Jobert ang dahilan kung bakit siya napunta sa pagda-drugs.
   
“Katulad din po ng iba, halos karamihan po ka­pag galing ka sa walang-wala tapos biglang nagka­roon ka ng… nagka-pera ka, mag-isa ka sa buhay, minsan napupunta ka sa ibang mga barkada, eh. Sumasama ka sa mali, pero mali nga ’yon, eh. Natuto rin ako, ngayon namimili na ako  ng kaibigan,” sey pa niya.
   
Isa raw si Angelica Panganiban sa naging very close sa kanya sa Banana Sundae. Ano ba ang re-aksyon niya sa sinabi ng aktres na handa si­yang magpakamatay para sa kanya dahil siya ang source of happiness  ng aktres?
   
“Alam ko kasi ang mga pinagdadaanan niya, eh. Halos madalas, maraming mga panahon na nag-iisa lang ’yon. Ako ’yung nata-tawagan niya, eh. Ako ’yung laging karamay niya.  Sa­bay kaming umiiyak, kasa­bay ko ring tumatawa ’yon.
   
“Saka mas marami akong alam sa buhay no’n kesa ibang tao. Kaya alam niya, ’pag kaya ko, nan­do’n agad ako. Maraming hindi nakakaalam pero halos palagi kaming mag­kasama no’n, eh. Marami kaming mga napag-uusapan, hindi sa showbiz pero bilang magka­ibigan,” kuwento pa ng komedyante.