6,299 guests

Tokhang suspect pinasabog ang ulo sa harap ng anak

  • Written by Zaida Delos Reyes-Palanca
  • Published in Top Stories
  • Read: 378

ISANG tricycle driver na kasama sa drug watchlist sa kanilang barangay ang binaril sa ulo ng tatlong beses sa harap ng kanyang anak sa loob ng kanilang bahay ng ’di pa kilalang suspek kamakalawa sa Zamboanga Sibugay. Ang biktima ay kinilalang si Rico Martinez Villacampa, 35, residente ng Purok Nangka, Veterans Village, Ipil, Zamboanga Sibugay.

Sa report mula sa Camp Crame, nabatid na ang insidente ay naganap bandang alas-8:45 p.m. sa loob ng bahay ng biktima.

Ang insidente ay nasaksihan ng anak na babae ng biktima na kinilala na alias Nene na nag-aaral sa mesa malapit sa kanyang tatay.

Ang biktima ay nagpapahinga sa isang upuan malapit sa kanyang kapitbahay nang dumating ang suspek na nakasuot ng jacket at bull cap at binaril ang biktima ng tatlong beses sa ulo sa ’di malamang dahilan.

Pagkatapos ng  insidente,  tumakas ang suspek sa ’di malamang direksiyon habang namatay mismo sa lugar ang biktima dahil sa tatlong tama ng bala sa ulo.
   
Narekober sa lugar ng krimen ang tatlong basyo ng bala ng umano’y .45 pistol.
   
Ayon sa record, ang biktima ay nasa illegal drugs watchlist ng Barangay Veterans Village sa Ipil, Zamboanga Sibugay.