8,282 guests

Lovi, ipinasilip ang bagong bahay

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 436
Lovi Poe Lovi Poe

IPINASILIP ni Lovi Poe ang bagong bahay sa video na pinost sa Instagram account kahapon. White and blue ang kulay nito at feel na feel niya ang design.

Walang lokasyon na hinayag ang Premiere Actress kung nasaan ang  bagong place niya. Pero sa isang interview niya noon, nabanggit niyang gusto niyang lumipat sa QC para malapit sa trabaho at iwas sa traffic.

Siyempre pa, produkto ng pagpapakapagod sa trabaho ang bagong bahay ni Lovi. Nakadagdag ito sa magandang balitang kumikita ang movie niyang The Escort with Derek Ramsay at Christopher de Leon.

Pero kahit kalat na kalat nang malakas sa takilya ang Regal movie, meron pa ring nagkalat na trolls para lang makapanglait, huh! Poser ni Cristy Fermin ang troll na ’yon na nag-tweet na hindi raw malakas sa takilya ang movie, huh!

Nagkamali lang ang poser ng writer-radio host dahil walang social media account si Cristy, huh!

* * *

NADAGDAGAN na naman ng batikang mamamahayag at komentarista ang 8 TriMedia Broadcasting Network dahil sa pagpasok nina Gani Oro, Neil Ocampo, Jimmy Morato at General Samuel Pagdilao sa DZRJ 810 AM ng radio network.
   
Mula sa ibang AM radio stations sina Gani, Neil at Jimmy habang si Gen. Pagdilao eh unang sabak sa isang radio program. Si Gani ay nanggaling sa DZMM, CNN Philippines at TV5 habang si Neil ay ilang taon ding nagsilbi sa DZMM.
   
Si Jimmy naman ay mula sa DWIZ. Kahit inagaw siya sa showbiz eh, walang problema sa mundong piniling paglingkuran. Daily ang programa ni Jimmy na Chachahin Mo Baby, 3-4 p.m.  Si Sir Tsip Pagdilao, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes ang radio show niya, 5-6 p.m.
   
Dala-dala pa rin ni Gani ang tatak niyang Oro Mismo na Monday-Friday mapapakinggan, 3-4 p.m. habang si Neil ay nandoon pa rin ang trademark sa kanyang Todo Arangkada, 9-10 a.m., simula bukas, Nov. 7.
   
Mas malaki ba ang bayad sa kanila ng 8 TriMedia kaya lumipat sila ng istasyon?
   
“Lahat ng bagay ngayon nagbabago. Siguro panahon na rin na ’pag may nagsisimula, dapat nating tulungan. Hindi doon sa laki ng suweldo o kikitain dito, basta ang masasabi ko lang, mahal kami ng TriMedia. “Ang isang sanggol na himpilan ay hindi natin agad hihingan ng malaking talent fee. Hindi naman kami pinay-reyt para bigyan ng malaking suweldo. Nang makita namin ang kasama namin dito, kami mismo ang nag-offer na maging bahagi ng himpilan. Walang pag-uusapan ke malaki o maliit ang talent fee. Basta happy ka!” rason ni Gani.
   
Malaking bagay rin sa apat ang pagiging tri-media ng DZRJ dahil naririnig na sila sa radio, napapanood pa sa Cable Link Channel 7 at may live streaming sa www.8trimedia.com. Sa ngayon, nasa Top 10 na ang DZRJ 810 AM.