8,283 guests

Angelica, ‘excellent actress’ para kay Direk Maryo

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 356
Direk Maryo J. Direk Maryo J.

Kung may social media lang siguro si Mother Lily, pinost na nito na kumikita ang Regal Films movie na The Escort  and as of Saturday, may P10M gross na ang movie. Showing din ito sa more than 140 cinemas nationwide.

Kaya naman kahit nasa bakasyon si Derek Ramsay, ipinaabot nito ang pasa-salamat sa mga nanood at manonood pa. Nagbiro itong may part two ang movie pero hindi si Lovi Poe ang partner niya kundi ang magandang GF na si Joanne Villablanca.

Dahil sa The Escort, inaabangan na ang Sin Island nina Derek at Maja Salvador at The Annulment sa Regal para makita uli ang sexy body at sexy moves ni Derek.

* * *

Nagsimula nang mag-rehearsal sina Christian Bautista at Julie Anne San Jose para sa concert nilang When Julie Anne Meets Christian sa November 11 sa Kia Theater sa Araneta Center sa Cubao. Ang napanood namin sa video, ang nire-rehearse nilang kanta ay You Are My Song  na original ni Martin Nievera.
   
Produced ng Dreamstar Events at GMA Network ang When Julie Anne Meets Christian, sa direction ni Marvin Caldito at musical director si Marc Lopez. Wala silang guest, kaya nilang dalawa ang two hours concert.
   
Samantala, parehong happy ang lovelife nina Christian at Julie Anne. Si Christian ay may Kat Ramnani at si Julie Anne, may Benjamin Alves. Siguro naman, manonood ang syota ng dalawa sa kanilang concert.
   
Speaking of Julie Anne, siya ang kumanta ng theme song ng Christmas campaign ng GMA Network na tinawag na Maniwala Sa Magic Ng Pasko. Sinulat nina BJ Camaya at Nicolle Castillo at musika nina Len Calvo and Ann Figueroa.
   
First locally produced 3D animated Christmas campaign na unang mapapanood bukas (Nov. 7) sa 24 Oras. May three stories ang Christmas campaign at ang una sa tatlong kuwento ang Magic Crayons.

* * *

Ang ganda ng mga sinabi ni Director Maryo J. Delos Reyes sa presscon ng The Unmarried Wife tungkol sa pelikula at sa tatlong main cast na sina Dingdong Dantes, Paulo Avelino at Angelica Panganiban. Sa November 16 ang showing nito.
   
“This movie is not only about relationship. For me it’s a very important film dahil maraming topics na pinag-usapan gaya ng marriage, family, annulment, separation, sole parent and relationship with children. I want to involve the Congress and Senate to watch the film dahil ’yun ang problema sa Family Code para malaman kung bakit kailangan ang divorce at legal separation. I want to invite not only the regular viewers, lahat ng tao dahil  the film also talks about woman emancipation.”
   
Tinawag din ni Direk Maryo si Angelica na “excellent actress” at bilang director, hindi siya nahirapang i-direk ito.
   
“Gusto ko silang i-elevate. Let’s push up our stars. Tumatanda na ang mga nasa itaas para ma-push ang nasa baba. We have to make new dramatic stars and I believe we have new dramatic actors in these three and I’m so happy nakasama ko sila sa pelikulang ito,” sabi ni Direk Maryo.
   
Ngayon lang siya nagka-time at nang dumating ang offer ng Star Cinema, sinunggaban na niya. Ginagawa rin nito sa GMA-7 ang teleseryeng Someone To Watch Over Me na kumakain din ng oras.

* * *

Birthday ni Bea Binene noong November 4  pero  wala siyang big party at isang simple dinner lang with her family ang kanyang celebration. Binati rin siya ng loveteam niyang si Derrick Monasterio at hindi naman siguro magagalit si Derrick kung angkinin ni Bea na birthday presentation niya ang Tsuperhero.
   
Sa November 13 na ang pilot airing ng Pinoy superhero comedy adventure sa direction ni LA Madridejos. Kabilang sa cast sina Gabby Concepcion, Philip Lazaro, Miggs Cuaderno, Betong Sumaya, Jemwell Ventenilla, Valentin at Annalyn Barro.
   
Binuking ni Derrick na mas na-conscious si Bea nang makita siyang suot ang costume niya bilang Tsuperhero at lumikot daw ang mga mata ng aktres. Bagay na itinanggi ni Bea, gumagawa lang daw ng isyu ang kapareha.
   
Malaking tulong kay Bea ang Vampire ang Daddy Ko, ang comedy show ni Vic Sotto na kasama sila ni Derrick dahil nakakuha sila ng tips kung paano mag-deliver ng punchline at kung paano ang acting sa comedy.

* * *

Mas pinagtibay ng GMA Network ang pangunguna sa nationwide ratings ayon sa datos ng ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.
   
From October 1 to 31, nanguna ang GMA sa National Urban TV Audience Measurement (NUTAM) with 37.4 percent average household share. Nanguna rin ang GMA sa lahat ng daypart sa NUTAM kasama ang primetime sa tuluy-tuloy na magandang ratings performance ng mga programa.
   
Anim sa 10 programang pinakapinapanood sa NUTAM ay mula sa GMA at ang Encantadia ang nangunguna. Pumasok din sa listahan ang 24 Oras, Pepito Manaloto, Kapuso Mo, Jessica Soho, Alyas Robin Hood at Magpakailanman.