12,168 guests

JM de Guzman, sobrang sayang!

  • Written by Nel Alejandrino
  • Published in Showbiz
  • Read: 604

Marami ang nanghihinayang, Ian F., kay JM de Guzman na hanggang ngayon ay reportedly nasa rehab pa rin for drug addiction for the second time.

The first time that he was declared drug free, nagkasunud-sunod kaagad ang ginawa niyang magagandang projects kabilang na ang indie film na That Thing Called Tadhana with Angelica Panganiban, and the series All of Me, which co-starred him with Albert Martinez and Yen Santos.

Totoo bang pag-ibig ang dahilan ng madaming frustrations ni JM, which is what led him to turn to drugs? Obviously, at first, para lang makalimot?

But as what experts say, drug is an addiction.

* * *

Did we hear it right that Vivian Velez was offered na maging member ng board ng MTRCB (Movie, Television Review and Classification Board), but that  she begged off  dahil sa kanyang busy schedule?
   
Involved sa ilang businesses si Vivian, kabilang na ang airline business.
   
We heard, may sarili siyang ginagamit na erop-0lano.
   
Well, ang isa pa sa pinagkakaabalahan ngayon ni Vivian ay ang upcoming Christmas Celebrity Bazaar, which she and fellow actresses Nadia Montenegro at Arlene Muhlach, is organizing on the following dates -- November 12 and 13 and December 3 and 4, at the BF Homes Parañaque Plaza.
   
Part of the proceeds of the fund drive will go to the foundation na kanilang in-organize -- Damay-Kamay -- na ang layunin ay makatulong sa mga kapwa nilang artistang humihingi ng ayuda, sa oras ng kanilang pagkakasakit at kagipitan.
   
Dati nang close bilang magkaibigan sina Nadia at Arlene. Nagkagaanan naman ng loob sina Nadia at Vivian when they did the series Tubig at Langis, with Cristine Reyes, Isabelle Daza at Zanjoe Marudo.

* * *

Kay Piolo Pascual nga ba unang narinig ang balitang nagkakakamabutihan na ang kanyang anak na si Iñigo Pascual at ang member ng grupong Girl Trends na si Kelly Day.
   
Iñigo, though, in an interview with Boy Abunda sa programa nitong Tonight with Boy Abunda (TWBA), said close na magkaibigan pa lang sila ni Kelly.
   
If ever pala, naging sila na ni Kelly, pangatlong girlfriend na niya ito.
   
Did we hear it right na isa sa naunang dalawang na-inlove siya ay artista rin at ang first name starts wit the letter J?
   
His first album, Dahil Sa ’Yo most of the tracks he wrote himself, will be out soon, Producer is Star Music.