11,839 guests

Piolo, tuwang-tuwa sa muling pagpasok sa school ni Iñigo

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 271
Iñigo Pascual Iñigo Pascual

BABALIK na sa pag-aaral si Iñigo Pascual ngayong November. Hindi na rin daw muna siya magtetele-serye at aasikasuhin din ang promo ng kanyang self-titled album sa Star Music na kare-release lang.

“For now,  I don’t think I’ll do a teleserye coz I’m also gonna go to school.

“I’ll start this November. I’m doing a Business course. So sobrang excited ako dahil I’m at a point in my life where  I feel like I’m expanding my horizons. I’m more open to new things. And I feel excited kasi gusto ko po ’yung ginagawa ko and that’s the most important thing naman ’di ba?

“I was out of school for two years. After 10th grade, I went to the Philippines, tapos nag-test ako sa DepEd, pero I graduated high school naman po,” pahayag pa niya.

Eh, ano ang reaksyon ng tatay niya na matagal nang gustong bumalik  siya sa school?
     
“Siyempre, tuwang-tuwa po siya. Sabi niya, ‘alright, you go do that’ kasi  that’s all he’s been asking for, for me, to finish my studies. ’Coz more than anything, education is really important kasi, you know, fame is not forever.”
    
Sa Enderun Colleges mag-aaral si Iñigo.