7,171 guests

PDU30’s Independent Foreign Policy: A Politics of Substitution?

  • Written by Berne Mabalay
  • Published in Pananaw Pinoy
  • Read: 739

May isang kasabihan, “When elephants fight, it is the grass that suffers.” Sa kasalukuyan, may tatlong ‘global superpowers’ na masasabing nagse-set ng dominant economic policies na nasusunod naman sa pandadigdigang ekonomiya – ang United States, Europe, at China. Ang bawat isa sa tatlong ito ay may kani-kaniyang paraan sa pagpapalawak ng economic, military and diplomatic power sa maraming bansa. Kamakailan, sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang speech sa panahon ng kanyang official state visit sa China, “Both in military…economics also. America has lost…There are three of us against the world – China, Philippines and Russia. It’s the only way.” Nagbigay ito ng implikasyon na pinuputol na ni Duterte ang ‘military and economic ties’ sa Estados Unidos; subalit, hindi ito naging katanggap-tanggap sa karamihang ekonomista sa bansa. Kaya, nilinaw niya na ang economic ties sa US ay mananatili, subalit paiiralin niya ang more independent foreign policy – o ang foreign policy na hindi nakahilig sa Estados Unidos.

Kung seryoso ang Pangulong Duterte sa kanyang pahayag, ito ay may malaking kaugnayan sa kanyang naunang 10-point socioeconomic agenda – na nangunguna rito ang pagpapanatili ng macroeconomic policies gaya ng trade policies ng bansa na highly supportive sa US free-trade or neoliberal policies. Dahil dito, ang nauna niyang pahayag tungkol sa ‘military and economic separation’ sa Estados Unidos ay hindi magiging compatible sa kanyang pinaiiral na economic policies. May kasabihan, “Talk is cheap” kung hindi naman ito kayang isakatuparan. Ang kanyang pahayag sa China na: “There are three of us against the world – China, Philippines and Russia” ay may implikasyon na ang kanyang foreign policy ay nakahilig sa Tsina; subalit, ito kaya ay kanyang mapaninindigan? Magdudulot kaya ng best interest sa bansa ang paglisan sa US free-trade kapalit ng paghilig sa Chinese free-trade?

May pananaw na ang Estados Unidos at ang dominant free-trade policies nito ay nagdulot lamang ng pagbagal o paghinto sa pag-unlad ng ating bansa; subalit, may kakayahan kaya ang Chinese free-trade policies na magsulong ng ‘inclusive growth’ sa bansa? Ayon sa isang research, dapat isa-alang-alang na sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina, ang level of economic inequality ng mayayaman at mahihirap ay mas malawak sa Tsina kumpara sa Estados Unidos. Mahalaga ito dahil sa Southeast Asia, ang ating bansa ang may pinaka-mataas na income inequality. Noong taong 2012, naitala na ang combined worth ng 40 richest Filipinos ay katumbas ng 76% Gross Domestic Product ng bansa. Samantala, mahigit 25 milyong Filipino naman ay nagkakasya na lamang sa mahigit 40 piso upang mabuhay sa bawat araw.

Kung ang pag-alyansa sa Tsina ay magdudulot ng lalong pag-aaway o quarrel between two elephants or global superpowers sa ating bansa, mas malaki ang tsansa na lalong magdusa ang ating bansa na hindi pa rin maka-take-off ayon na rin sa Pangulong Duterte.

Gayun pa man, ang mithiin ng Pangulong Duterte na isulong ang independent foreign policy ay isang long-overdue na diskurso na kailangang panindigan ayon sa tadhana ng Konstitusyon ng bansa. Ito ay isang ‘foreign policy’ na hindi nakahilig sa kontrol ng Estados Unidos o ng Tsina, o sa iba pang imperial or global superpowers. Hindi ito isang ‘politics of substitution’ na magpe-perpetuate lamang ng patuloy na pagdurusa ng bansa. Kung ang paghilig sa Estados Unidos ay nagdulot lamang ng ‘economic dependence or subservience,’ huwag nating hayaan na maging kasangkapan ang ano mang bansa upang ito ay muling maulit pa. Kundi, ito ay independent foreign policy na batay sa soberenya at kapakanan ng bansa, at sa karapatang isabuhay ang self-determination ng mga Filipino sa pag-ugit ng mapalad na pag-unlad o ‘blessed development.’ May isang talata sa Biblia na nagsasabi, “It is for freedom that Christ has set us free. Stand firm, then, and do not let yourselves be burdened again by a yoke of slavery” (Galatians 5:1). Bagama’t ito ay nasulat sa panahon ng Roman Empire, ang prinsipyo ng kalayaan na nakapaloob dito ay isang mensahe para sa ating panahon.

Mapapakinggan ang Pananaw Pinoy sa radyo, sa programang ‘Oras ng Pilipinas,’ sa pagitan ng 7-8:30 ng umaga, ng 702 DZAS (AM) -FEBC Radio. Para sa suhestiyon at komento: This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. / 0928-364- 2090.