4,533 guests

Dialogue

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 402

MTRCB, ’di kakastiguhin ang ‘TIMY’

Isyu ng love scene, pinipilit  palakihin ng mga anti-JaDine 

Tatlong bagong miyembro ng censors’ board, pinangalanan

PASOK pala bilang bagong MTRCB board members ang actor na si Bayani Agbayani, dating MTRCB chairwoman na si Consoliza Laguardia at former UP dean of Mass Communications Rolando Tolentino, ayon sa Facebook post ng kaibigang Nestor Cuartero.
   
Waiting ang TV at movie industry kung mapapalitan bilang chairman si Toto Villareal.
   
Nabanggit niya kay Nestor na hold-over capacity ang termino niya.
   
Pagdating naman daw sa sigaw na selective censorship ng JaDine fans, ang meeting na gagawin sa producers ng show ay isang dialogue lang.
   
Hindi raw ito isang reprimand dahil sa kontrobersyal na love scenes nina James Reid at Nadine Lustre, huh!
   
Parang OA naman ang reaction ng ilan, late night ang serye at hindi naman malaswa ang nasabing eksena, huh!
   
’Di kaya pinag-iinitan lang sila? Feeling ng iba, sinasamantala ng anti-JaDine fans ang issue at pilit na pinalalaki.
   
Sa kabilang banda, at least, kahit paano, napag-uusapan ang series nina James at Nadine sa lampungang ginawa nila, huh!

* * *

NAGPAHAYAG ang fans ni Jennylyn Mercado na magpakatatag siya sa pagkawala ng kanyang Mommy Lydia.
   
Matapos ma-cremate ang nanay-nanayan, naglabas ng isang quotation si Jen sa kanyang Instagram account.
   
“All my life I kept wishing to grow older so I could finally move out and do my own thing. But now I wish I could just turn back time to be a child again and hug my mom again.”
   
Tahimik pa rin si Jen. Pero next week, kailangan na niyang mag-taping para sa weekly show niyang Superstar Duets. 
   
Malalaman natin kung gaano katatag ang Ultimate Superstar na harapin ang trabaho matapos mawala ni Mommy Lydia.

* * *

PATULOY pa rin si Rufa Mae Quinto sa pagbibigay ng updates sa pagbubuntis at pagpapakasal sa Fil-Am boyfriend na si @trevvsilog.
   
Nitong nakaraang post ni P-Chi sa kanyang Instagram account, pinagmalaki niyang meron silang engagement ring at wedding bond ng fiancée na Cartier ang brand, huh!
   
“We have two sets of wedding bond and engagement ring only because my finger is getting bigger since preggy. So, yup! Ang saya namin ni baby Alexandria kasi sweet ni daddy.
   
“May pregnancy din ang mommy! May rose gold, may gold! May medium, may large… yahoo. Wedding is around the corner at reading-ready na ang lahat!”
   
Buti naman tuloy na ang kasal, huh!