8,830 guests

Nacoco Week ginunita ng BJMP sa Cavite

  • Written by Dennis Caparas Abrina
  • Published in Provincial
  • Read: 302

GENERAL Trias City -- Nagdiwang ng National Correctional Consciousness (Nacoco) Week ang mga piitan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa mga lungsod ng General Trias at Trece Martires at mga bayan ng Tanza at Amadeo nitong linggong ito.

Pinangunahan ng tanggapan ni Cavite 6th district Rep. Luis “Jon Jon” Ferrer IV ang pagbibigay ng mga personal hygiene kit sa bawat inmate o detainee ng mga nabanggit na bayan at syudad.
   
May kabuuang 1,054 detainees ang nabigyan ng loot bags na naglalaman ng dipper, toothpaste, shampoo, toothbrush at sabon na magagamit nila sa pang-araw-araw habang nakapiit.
   
Nakipagtulungan naman ang mga tanggapan nina Mayor Antonio Ferrer (Gen. Trias), Mayor Yuri Pacumio (Tanza), Melan de Sagun (Trece Martires) at Alberto Ambagan Sr. (Amadeo) sa programa ni Rep. Ferrer para sa mga preso.