8,283 guests

‘Welcome back,’ DCE Ariel

  • Written by Paul M.Gutierrez
  • Published in Opinion
  • Read: 191

BAGO ang lahat, sinserong pakikiramay ang ating ipinaabot sa pamilya Amante ng San Pablo City, Laguna, sa pagpanaw kamakailan ni Gng. Nercy Sahagun-Amante, ang butihing maybahay ni Pareng Vic ‘Beteng’ Amante at butihing ina naman ni Mayor Amben Amante.

Muli, sa buong pamilya Amante at sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan, condolence mula naman sa akin at sa aking pamilya d’yan sa San Pablo.
   
Magkakaroon muna ng misa sa ‘cathedral’ ng San Pablo bukas bago ihatid si Gng. Amante sa kanyang huling hantungan.

* * *   

Nagpapasalamat naman tayo sa liderato ng Manila Police District (MPD), sa pangunguna ni District Director Joel ‘Jigs’ Coronel, at siyempre, sa buong kasapian ng MPD Press Corps sa pangunguna naman ni kasamang Mer Layson, sa isinagawang ‘surprise drug test’ para sa lahat ng kasapi ng media sa MPDPC.
   
Nagpapasalamat tayo kay DD Jigs dahil personal pa siyang nagpunta sa MPDPC bilang ‘witness’ sa naturang proseso at ipahayag ang kanyang pagkatuwa sa naging inisyatibang ito ng National Press Club (NPC) sa pangunguna ng inyong lingkod.
   
Natutuwa rin siyempre tayo para sa ating mga kasamahan sa MPDPC na walang naging ‘violent reaction’ bagkus, “nag-uunahan” pa sa pagpila, patunay na “malinis” ang kanilang mga pangangatawan sa paggamit ng iligal na droga -- ewan na lang ’yung mga wala, hehehe, ayy, huhuhu!

* * *   

Uulitin ko lang, mga “kapatid:” MANDATORY na ngayon ang drug test para sa lahat ng kasapi -- at mga gustong maging kasapi -- ng NPC.
   
Ito ay bilang pagsuporta na rin ng media, sa pangunguna ng NPC, sa kampanya ni Pang. Digong laban sa salot ng iligal na droga.
   
The media must prove itself worthy of supporting the war against illegal drugs by showing that its members are “clean” from using this destructive substance.
   
At sagot na rin ito sa “tamang hinala” at “bintang” ng ilang sektor at grupo na “nagmamalinis” ang media eh, may mga “durugista” rin naman.
   
Sa mga susunod na araw ay “susuyurin” ng NPC ang iba pang mga press corps sa buong Metro Manila para sa kampanyang ito.
   
Bagaman nga ‘voluntary’ ang drug test, “mamarkahan” ng NPC ang mga kasapi nito na sa ano mang dahilan ay tumanggi o umiwas dito. May ‘Oplan Tokhang’ pa naman ang PNP, hehehe!
   
Inaasahan natin na ngayong araw malalaman ang resulta ng drug test sa MPDPC at sa mga magpositibo, “sorry” na lang dahil...expelled kayo, aguy, aguy, aguy!

* * *   

“Sa wakas,” wika nga, natapos na rin ang matagal nang ‘hulaan blues’ sa pantalan matapos ilabas kahapon ng tanggapan ni Comm. Nick Faeldon ng BoC ang listahan ng mga bagong opisyales na pirmado ni PDU30 noon pa palang Oktubre 17.
   
Ito ay sina: retired Marines General Natalio C. Ecarma III, Deputy Commissioner, Revenue Collection Monitoring Group (RCMG); Ariel F. Nepomuceno: Deputy Commissioner, Enforcement Group (EG); at Teddy Sandy S. Raval, Deputy Commissioner, Intelligence Group (IG).
   
Natutuwa rin tayo na sa kabila ng mga intriga sa kanya ng OCCOM mismo, pormal na itinalaga ni Pang. Digong si NAIA District Collector Edgar Z. Macabeo habang nabigyan naman ng panibagong “hamon” si Atty. Vincent Philip Maronilla bilang District Collector ng MICP.
   
Noong una, mga kabayan, sinasabing mapupunta sa IG si Gen. Ecarma, na ang rekord ng paglilingkod sa militar at sa ating Republika ay hindi matatawaran. Ito ay matapos tanggihan ni Gen. Juancho Sabban ang posisyon bilang “DCI” sa kaagahan ng termino ni PDU30.
   
Kung bakit sa RCMG siya napunta, si Pang. Digong na lang siguro ang dapat magpaliwanag,  hehehe.
   
Mula naman sa dating posisyon bilang customs police director (ESS) noon lang isang taon, “umangat” si Atty. Raval bilang DCI at kung paano niya “babastunin” ang mga abusadong isinalpak doon ni Comm. Nick, ito ang “magandang bantayan,” tama ba, “kasamang” Rick Carvajal?
   
Nevertheless, given his experience, I am confident that Atty. Raval can give justice to his new position and can rise up to any challenge.
   
Higit sa lahat, marami ang natuwa -- kulang na lang ay ang mga “kuwitis” na “pinalipad” sa bakuran ng Aduana -- sa pagbalik sa posiyon ni DCE Ariel Nepomuceno.
   
Panahon pa lang ni Comm. Sunny Sevilla, nang unang mapuwesto si DCE Ariel (2014), ay “nasubaybayan” na natin ang kanyang ‘career.’
   
At kung propesyunalismo at pagiging ‘team player’ din lang ang mga batayan, wala tayong masasabi sa kanya.
   
DCE Ariel is definitely an asset to the group of Comm. Nick which is badly in need of genuine public servants and honest-to-goodness persons like him.
   
‘Welcome back,’ DCE Ariel! At siyempre, magpa...canton ka naman, hahaha!