8,834 guests

SIPAG: Simula ng pagbabago ng drug surrenderers sa Antipolo

  • Written by People's Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 271

NAGKAISA ang pamahalaang lungsod ng Antipolo, sa pangunguna ni Mayor Jun Ynares, at ang 16 barangay sa pagtulong sa pagbabagong-buhay ng mga drug surrenderer matapos ipasa ang Barangay Resolution No. 2016-003 na nagbubuo ng SIPAG (Simula ng Pag-asa) kung saan dadaan sa 12 na sesyon ng recovery program ang mga drug surrenderer mula sa mga makabuluhang counseling hatid ng mga religious group sa bansa. Nagmula ang programang SIPAG sa pagtutulungan at kasunduan ng Dangerous Drugs Board (DDB) at Christ’s Commission Foundation Ministries, Inc. (CCF) na nagnanais matulungan ang mga drug dependent sa pagbabagong-buhay.

Ipinaabot ni Mayor Ynares ang kanyang pag-hanga sa mga drug surrenderees na patuloy na nagtitiwala at nakikiisa sa programang inilaan para sa kanila ng pamahalaan. Ipinangako niyang ito na ang totoong simula ng kanilang pagbabago kasama ang kanilang pamilya. Muli namang ipinaalala ni Mayor Ynares na sasagutin ng pamahalaang lokal ang gastusin sa pagpapagamot ng mga qualified drug surrenderers sa private rehab centers habang hinihintay ang pagpapatayo ng sarili nitong rehabilitation center sa lungsod. Aabot sa P15,000-P20,000 kada buwan ang halaga ng gamutan na tatagal ng 8-12 buwan depende sa kaso ng pasyente.
   
Nagsama-sama sa orientation seminar at workshop ang mga pastor, church workers at mga volunteers mula sa ilang non-government organizations (NGO) noong Okt. 15, 2016 sa Antipolo City Hall u-pang ibahagi ang kanilang papel kasama ang pamahalaang lokal sa pagpa-patupad ng nabanggit na programa. Tinuro sa kanila ang mga paraang isasagawa habang nasa proseso ng rehabilitasyon ang mga drug dependent upang tuluyan silang mailayo sa paggamit ng droga at maitaguyod ang magandang samahan ng isang pamilya.
   
Umabot sa mahigit 1,200 ang bilang ng mga sumukong drug users at pushers sa Antipolo simula noong Hulyo hanggang sa kasalukuyan.