5,540 guests

Lantaran

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 679

Lady exec, libre nang makipagrelasyon sa aktor

Alden at Maine, apurahan ang bakasyon sa Germany

Derek, balut na balot sa Cambodia

APURAHAN ang bakasyon nina Alden Richards at Maine Mendoza, na ayon sa posts ng ilan nilang fans, sa Germany ang destinasyon.
   
Aba, pareho pala silang may commitment na show sa November 5, huh!
   
Si Alden, may mall show sa The District sa Imus, Cavite, kaugnay ng promotions ng album niyang Rescue Me.
   
Si Maine naman, meron sa Laguna para sa endorsement niya kung saan kasama niya si Piolo Pascual.
   
Siyempre, haggard sa biyahe dahil hindi naman Hong Kong ang pinuntahan nina Alden at Meng, huh!

* * *

LANTARAN na ba ang relasyon ng isang inactive na actor at lady executive?
   
’Yan kasi ang tanong ng mauurirat sa showbiz.
   
Sa isang post kasi ng aktor habang nagda-drive, sumilip sa picture ang lady executive.
   
Siyempre, marami ang nagulat.
   
Ang balita namin, annulled na ang kasal ng lady executive kaya wala nang hadlang sa pagkakaroon niya ng bagong relasyon.

* * *

BALUT na balot si Derek Ramsay sa video post niya sa kanyang Instagram account.
   
Nakasuot kasi siya ng malong at ang caption niya, “Kinda like my style here! #ubudngganda #baliwbaliw2016.”
   
Sa isa pa niyang post na may background na parang temple, kasama niya ang parents niya at girlfriend na si Joanne.
   
Feeling namin, nasa Cambodia sila.
   
Sa movie kasi ni Derek na The Escort, na showing ngayon sa more than 120 cinemas nationwide, ilang beses siyang naghubad at nagpakita ng abs, huh!
   
Kaya nanibago ang sexy actor nang pagsuotin ng malong.