5,560 guests

Pumatay sa ginang hina-hunting ng pulisya

  • Written by People's Tonight
  • Published in Metro
  • Read: 137

Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang suspek sa pagpatay sa isang 51-anyos na ginang sa Quezon City kamakalawa.

Ayon sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng QCPD, patuloy ang follow-up investigation na kanilang ginagawa upang matukoy at maresolba ang kaso ng pagpatay sa biktimang si Daisy Ysmael, may-asawa, ng Block 4, Lot 2, Phase 18B1, Damayan St., NGCHP, Bgy. Commonwealth.
   
Sa ulat ni PO3 Jim Barayoga, ng CIDU, si  Ysmael ay binaril ng suspek habang patungo sa garahe malapit sa kanilang pinapaupahang apartment sa 18B2 Sumapi St. kanto ng Pinadama St., Bgy. Commonwealth, para tignan ang kanilang sasakyan.
   
Base naman sa kuwento ng isang kapitbahay na kinilalang si Jennifer Bruzo, bibili sana siya ng pang-almusal nang makita ang duguang biktima na naka-handusay sa lugar dakong alas-6 ng umaga.
   
Agad niyang ipinabatid ang insidente sa anak ng biktima.
   
Narekober sa crime scene ang dalawang basyo ng bala at isang tingga ng kalibre .45 na baril.