4,991 guests

Cloie, naungusan ang Philippine bet sa Miss Earth 2016

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 719
Cloie Skarne Cloie Skarne

KUNG ang Pilipinas ang nakasungkit ng korona noong nakaraang taon sa pamamagitan ni Angelia Garbrena Ong, hindi man lamang nakapasok sa Top 16 ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Earth 2016 na ginanap sa SM MOA Arena last Saturday evening na si Imelda Schweighart. Tinalo pa siya ng half-sister nina KC Concepcion at Garie Concepcion na si Cloie Syquia Skarne (na kinatawan ng Sweden) na nakapasok sa Top 8.

Ang representative ng Ecuador na si Katherine Espin ang nanalong 2016 Miss Earth  at pangalawang panalo na ito ng Ecuador sa naturang titulo.  Nauna na rito si Olga Alava noong 2011.

Sumunod sa Miss Ecuador si Miss Colombia na si Michelle Gomez na siyang nanalong Miss Earth Air 2016, Miss Venezuela na si Stephani de Zorzi as Miss Earth Water 2016 at si Miss Brazil na si Bruna Zanardo bilang Miss Earth Fire 2016.

Samantala, hindi man nakuha ni Cloie ang crown, masaya ito sa kanyang naging experience  sa Miss Earth 2016 na ang pakiramdam niya ay nag-represent siya ng dalawang bansa, ang Sweden at Pilipinas.

Everyone knows na dugong Pinoy ang nananalaytay sa kanya dahil sa kanyang Filipino biological parents, ang estranged couple na sina Gabby Concepcion at Jenny Syquia.

SUNSHINE, IPINAKILALA NA NG BAGONG BF SA PAMILYA

KUNG tahimik lamang ang ex-wife ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz tungkol sa napapabalitang relasyon nila ng half-brother ni Ara Mina na si Macky Mathay, ang huli na mismo ang umamin sa kanilang (bagong) relasyon.
   
Kamakailan lamang ay naging viral sa social media ang litrato nina Sunshine at Macky na magka-holding hands habang tumatawid sa isang kalsada sa Bonifacio Global City in Taguig City.  Ito ang naging daan para malaman ng publiko na may bagong lovelife na ang ina nina Angelina, Cheska at Samantha, mga anak ni Sunshine sa ex-husband niyang si Cesar Montano.
   
Tatlong taon nang hiwalay ang dating mag-asawang Sunshine at Cesar na nagkahiwalay noong 2013 at nasa proseso na ang annulment ng dalawa although may lumabas na balita na annulled na umano ang kasal ng dalawa noong August 26, 2013 pa.
   
Si Macky naman ay hiwalay na rin sa kanyang ex-wife na si Camille Fariñas-Mathay at may tatlo rin silang anak, two boys and one daughter. Si Camille ay anak ng kinatawan ng Ilocos Norte na si Rep. Rudy Fariñas sa namayapang  dating beauty queen-actress na si Maria Teresa Carlson na sumakabilang-buhay noong November 23, 2001.
   
Ipinakilala na ni Macky si Sunshine sa kanyang pamilya liban sa kanyang tatlong anak.
   
Kahit hiwalay na si Macky sa kanyang dating misis na si Camille, gusto niya itong maging kaibigan alang-alang sa kanilang tatlong anak. Sa ngayon ay civil ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa.
   
Hindi  pa rin in good terms ang dating mag-asawang Cesar at Sunshine hanggang ngayon. Gusto rin ni Cesar na maging magkaibigan sila ni Sunshine para sa kanilang tatlong anak na sina Angelina, Cheska  at Samantha.
   
Ngayong may bagong love life na si Sunshine sa katauhan ni Macky Mathay, kailan naman kaya  aaminin at ilalantad sa publiko ng ex-husband ni Sunshine na si Cesar Montano ang kanyang bagong karelasyon?

TATLONG TAON MATAPOS ANG YOLANDA SA TACLOBAN, GUGUNITAIN

NGAYONG November 8 ay gugunitaan ng Tacloban  ang ikatlong taon ng hardest-typhoon ever sa buong mundo, ang Yolanda na nanalasa sa Eastern Visayas noong November 8, 2013 na kumitil ng libu-libong buhay at nakasira ng mga infrastructures, mga kabahayan at kabuhayan hindi lamang ng Tacloban kundi maging ng ilang bahagi ng Eastern Visayas.
   
Three years after the destructive typhoon, tuluyan nang nakabangon ang Tacloban na umaasang magtutuloy-tuloy sa pamumuno ng kanilang bagong alkalde, ang singer-actress-turned politician na si Mayor Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez, misis ni dating Tacloban mayor Alfred Romualdez.
   
Magkakaroon ng paggunita ang ikatlong taon ng Yolanda na pangungunahan mismo ni Pangulong Rodrigo `Digong’ Duterte at ilang mga kilalang personalidad.
   
Ayon kay Mayor Kring-Kring, maraming natutunan ang mga Taclobanon sa kanilang naging karanasan sa bagyong Yolanda kaya sila madaling nakabangon.