11,907 guests

San Pablo LGU ginawaran ng pagkilala ng DILG

  • Written by Gil Aman
  • Published in Provincial
  • Read: 339

Binigyan ng pagkilala ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang pamahalaan ng San Pablo City mula sa 18 bayan sa buong Region IV-A na pumasa sa criteria ng ahensiya para sa “2016 Good Financial Housekeeping” na isa sa components na mabigyan ang isang LGU ng award para sa Seal of Good Governance.

Mula sa 1,673 LGUs sa buong Pilipinas na sumai-lalim sa assessment ng DILG, ang lungsod ng San Pablo ang isa sa napili at nabigyan ng pagkilala.
   
Batay sa memorandum na natanggap ng DILG-SPC mula kay Provincial Director Darell I. Dizon ng DILG-Laguna, ang San Pablo City, gayundin ang lungsod ng Biñan, Cabuyao, Calamba at Sta. Rosa ay kabilang sa pumasa sa nasabing component.
   
Ang pagpasa sa Good Financial Housekeeping ay magagamit ng lungsod para maka-avail ng mga loan at National Program Windows tulad ng Special Local Road Fund (SLRF), Bottom-Up Budgeting (BUB), Papaya at Masaganang Pamayanan (Pamana) at Sagana sa Ligtas na Tubig sa Lahat (Salintubig).
    
Magugunitang na nu’ng Sept. 2, 2015 ay personal na tinanggap ni Mayor Loreto Amante ang award para sa 2015 Seal of Good Governance mula sa mga opisyal ng DILG sa Development Academy of the Philippines, Tagaytay City.