5,469 guests

Luis, ‘iniwasan’ si Jennylyn

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 841
Luis Manzano Luis Manzano

SI Luis Manzano ang  isa sa mga tumayong hosts sa ika-30 taon ng PMPC Music & TV Awards na ginanap sa Monet Grand Ballroom ng  Novotel, Araneta Center last Sunday (October 23)evening at siya rin ang nag-announce ng pangalan ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado na siyang nanalong Best Actress para sa “My Faithful Husband” TV series niya sa GMA.

Nang papaakyat na ng stage si Jennylyn, ang isa sa mga host na si Robi Domingo ang umalalay sa kanya.  On stage, halos nagkaharap sina Luis at Jen pero hindi sila nagbatian. Walang effort si Luis para lapitan ang dating girlfriend para batiin.  Obvious sa kilos ni Luis na tila na-awkward siya sa sitwasyon, pero may umasa na sana’y nagbeso man lamang siya sa dating katipan o di kaya kamayan man lamang ito sa kanyang panalo.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang first time nina Luis at Jennylyn na muling magkita  and shared the same stage after their much talked-about break-up in 2013.

JAKE, INALAY ANG AWARD SA ANAK KAY ANDI

SA PMPC Star Awards pa rin, nag-tie sina Jake Ejercito at Simon `Onyok” Pineda sa Best New Male Personality – si Jake para sa Lenten offering ng “Eat Bulaga” na “God Gave Me You” kasama sina Alden Richards at Maine Mendoza at si Onyok naman sa “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Jake dedicated his award to his inspiration and princess, his  daughter (kay Andi Eigenmann) na si Ellie.
   
Nakasama ni Jake sa awards night ang kanyang elder sister na si Jerica at mommy nila, ang dating actress-turned businesswoman na si Laarni Enriquez.
   
Hindi pa man alam ni Jake na siya ang tunay na ama ng anak ng kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann na si Ellie ay sobrang malapit na siya sa bata dahil na rin siguro sa `lukso ng dugo.’ Ngayon ay very open na si Jake sa pagbanggit kay Ellie.
   
Hindi man in good terms ngayon si Jake with his ex-girlfriend na si Andi, gusto ng binata na hindi ito makaapekto sa relasyon nilang mag-ama.
   
Inamin din ni Jake na dumaan sila sa DNA test para lamang malaman kung siya nga ang ama ni Ellie at nang ma-confirm ito ay lalong napamahal ang bata sa kanya.
   
Ang maganda pa kay Jake, he is man enough to accept his responsibility bilang ama ni Ellie.
   
Ngayong alam na ng publiko na si Jake ang biological father ni Ellie, kailan naman dadalhin ni Jake ang kanyang anak  sa kanyang pamilya?  Tiyak na matutuwa ang kanyang dad na si Manila Mayor Erap Estrada, ang kanyang mom na si Laarni, mga kapatid na sina Jerica at Jacob at iba pang mga kaanak.
   
Kung ang aktres lamang na si Jaclyn Jose ang masusunod, pabor siya kay Jake para sa kanyang anak na si Andi.

MAY STANDOUT PERO MAY FASHION VICTIMS DIN SA STAR MAGIC BALL

ISA nang yearly event ang Star Magic Ball ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na pinamumunuan mismo ni Johnny Manahan na mas kilala sa tawag na Mr. M now on their 10th year.  Ito ang taunang  pagtitipon-tipon ng mga contract stars at talents ng Star Magic at ABS-CBN.  Bukod sa gathering ng mga Kapamilya talents, okasyon din ito ng mga kilalang fashion designers na siyang gumagawa ng mga kasuotan ng mga stars at iba’t ibang talents showing their best creations.  Merong may mga stand-out at meron pa ring ilang fashion victims pero ang mahalaga, ang okasyon ay para sa kanila (stars and talents).
   
Sa mga bonggang kausotan ng mga dumalong stars and talents, si Liza Soberano ang tinanghal na Best Dressed (Female) dahil sa kanyang napakagandang Mike Cinco gown.  Sa male category naman ay si Zanjoe Marudo ang pinarangalan.
   
Dominant color ng gabi ng Star Magic Ball ang black and white.