5,021 guests

Ai-Ai, nangangabog sa ‘Area’

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 723
Ai-Ai delas Alas Ai-Ai delas Alas

ANG pelikula ng BG Productions International na Area ang nagsilbing closing film ng QC Cinema International Film Festival sa Trinoma nu’ng Saturday night (Oct. 22). Dumalo ang buong cast ng pelikula na pinangungunahan nina Ai-Ai delas Alas at Allen Dizon kasama ang kanilang direktor na si Louie Ignacio.

Present din ang ilang Kapampangang cast na napakahuhusay at ang introducing sa pelikula na si Sancho delas Alas for a first-timer actor ay pasado na.

Ang naturang event na rin sa QCinema ang naging kauna-unahang Philippine premiere ng Area since hindi pa naman ito naipapalabas sa mga sinehan magmula nang manalo ito ng Special Jury Prize sa 12th Eurasia International Film Festival na ginanap sa Kazakhstan nu’ng Sept. 30.

Sa totoo lang, wala kaming ini-expect habang pinapanood ang Area ni Ai-Ai until parang dinadala na kami ng mga eksena sa tunay na pinangyarihan nito sa Area, isang kilalang lugar noon sa Pampanga kung saan talamak ang prostitusyon.

It’s really a nice experience watching the film dahil maging ang amoy ng lokasyon ng pelikula ay mistulang nalalanghap din namin at kumakapit sa aming kamalayan.
   
Ganu’n pala katindi ang ginagawa ng mga laos na prostitute na napaglipasan na ng panahon. Gagawin nila ang lahat maitawid lang ang araw-araw na panga-ngailangan. Kahit sino ay papatulan nila -- bata, matanda at kahit sardinas at electric fan lang ang kapalit, go pa rin sila!
   
Wala ring kiyeme sa paghuhubad ang cast at talagang nakipagsabayan si Ai-Ai, huh! May frontal nudity din ang isang comebacking sexy star. Ibinuyangyang talaga ng hitad ang kanyang keps, huh! Mahusay din si Sue Prado na walang kare-reaksyon ang mukha habang nagpapa-kangkang para sa tatlong anak.
   
Para sa amin, hindi rin matatawaran ang husay ni Ai-Ai sa pelikula. Nangangabog ang acting niya, huh! Gustung-gusto namin ang mga eksena na wala siyang dialogue at puro reaksyon ng mukha lang ang ipinakikita. Ilang beses rin niya kaming napaiyak.
   
Allen is also brilliant in the film lalo na sa eksenang galit na galit siya dahil ninakaw ang pera ni Hilary, karakter ni Ai-Ai, ng mga barangay tanod.
   
Sa kabuuan, malinis ang pagkakagawa ng pelikula at para sa amin, ito ang best fim so far ni Direk Louie.