5,291 guests

‘Exhausting’

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 662

Zsa Zsa, ayaw nang ipaliwanag ang pakikipagbalikan kay Conrad

Sagot kaya ni Zsa Zsa Padilla sa mga hindi nakaintindi kung bakit nakipagbalikan siya sa boyfriend niyang si architect Conrad Onglao ang pinost niya sa Instagram (IG) na, “Having to explain everything is exhausting” na galing sa InstaQuote?

Kumpirmado na ngang nagkabalikan ang dalawa matapos ang five months na paghihiwalay.
   
Kahit ang malalapit na entertainment columnists kay Zsa Zsa, hindi mapilit pagsalitain ang singer kung bakit siya nakipagbalikan sa boyfriend.
   
“Long private story” lang ang sagot ni Zsa Zsa nang tanungin ni Ricky Lo tungkol sa balitang ikinatuwa ng mga nagmamahal sa kanila.
   
Marami rin ang umaasang matuloy na ang kasal na plinano nina Zsa Zsa at Conrad bago sila nagkahiwalay, maging masaya sila at maging forever na ang kanilang relasyon.

* * *

Magwa-one year old na si Zia Dantes, anak nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa November 23.  Siguradong ngayon pa lang, pinaghahandaan na ng mag-asawa ang first birthday ng kanilang eldest.
   
Nakakatuwa pala ang video na pinost ni Marian habang kausap si Zia at tinanong kung sino ang mahal ng bata, si mama ba o si papa?
   
“Mama Pap” ang sagot ni Zia, na ikinatawa nang malakas ni Marian.
   
Nagsasalita na si Zia at marami nang alam gawin, mga bagay na nasusubaybayan ni Marian.
   
Masayang padre de pamilya si Dingdong dahil may magandang asawa at anak at magandang career.   Mataas ang rating ng Alyas Robin Hood at gusto ng viewers. Ginagawa rin ni Dingdong ang Star Cinema movie na Unmarried Wife.

* * *

Kaaliw si Jake Cuenca dahil nakalimutan na ang story ng Mulat (Awaken) sa simula ng presscon, kaya hindi agad naikuwento kung paano tumakbo ang story nang tanungin ng mga reporter.
   
Matagal na nilang ginawa ang pelikula, pero sa November 2 lang magkakaroon ng commercial run.
   
Sa pelikula nanalo ng dalawang best actor awards si Jake sa International Film Festival Manhattan 2015 at sa World Cinema Festival sa Brazil.
   
Masaya ring ibinalita ni Jake na hindi masama ang karakter niya at gagawin ang lahat for love.
   
Ayon pa kay Jake, kaya rin nanalong best narrative feature sa World Cinema Festival ang movie at nagpanalo kay Diane Ventura ng best director for global features sa International Film Festival Manhattan 2015 ay dahil very fresh and new ang concept at walang katulad.
   
Makaka-back-to-back ng showing ng Mulat ang TheRapist na si Diane rin ang director.
   
Bida sa 15-minute short film sina Cherie Gil at Marco Morales. Controversial ang movie na ito dahil ang unang trailer ay na-ban ng MTRCB, kaya gumawa ng ibang trailer na “G” ang classification.
   
Samantala, three movies ang naka-line-up na gawin ni Jake kasama ang ipu-produce at pagbibidahan niyang Requited to be directed by Nerissa Picadizo para sa 2017 Cinemalaya.
   
First time ni Jake to produce at very proud siya sa bago niyang role bilang film producer.

* * *

Ayaw pag-usapan ni Christian Bautista ang GF na si Kat Ramnani sa presscon ng concert nila ni Julie Anne San Jose na When Julie Anne meets Christian, scheduled on November 11 at the Kia Theater.                 Gagayahin daw niya si Julie Anne na ayaw ding pag-usapan ang relasyon nila ni Benjamin Alves.
   
Pero sa birthday message ng GF sa birthday ng singer-actor last October 19 sa Instagram (IG), puwede na sigurong sagutin ni Christian ang tanong ng press people sa relasyon nila ng GF.
   
“Will let Dr. Seuss start the greeting for me, as he articulated best what a birthday is about: ‘Today you are you! That is truer than true! There is no one alive who is you-er than you!’ Happy, happy birthday to the immensely talented, kindest, most patient, humble, aspiring MacGyver I know. I love you, a whole latte.”
   
Sumagot si Christian ng, “Thank you babe for the lovely words and the thoughtful gifts. You are the most wonderful gift of all. Love you very much.”
   
Samantala, ngayong tapos na ang Jersey Boys, magti-taping na uli si Christian ng Encantadia dahil nami-miss na ang role niyang si Apitong.
   
Habang may musical play siya, hindi muna siya nag-taping ng fantaserye at sa Superstar Duets  muna siya napanood bilang isa sa mga judge.