7,041 guests

2-anyos ginahasa ng amang adik

  • Written by Cesar Reyes
  • Published in Provincial
  • Read: 285

BAGUIO City -- Isang lolo ang nag-report sa City Anti-Illegal Drugs Unit (CAIDU) alas-4 ng hapon kamakalawa laban kay Fedy Bermudez Gallant, ng Happy Homes, isang drug addict, sa umano’y panggagahasa nito sa kanyang dalawang taong gulang na apo.

Nangyari ang panggagahasa nu’ng gabi ng Biyernes sa 126 South Sanitary Camp na nadiskubre ng lolo umaga ng Sabado.
   
Kinilala ng mga otoridad ang umano’y adik na suspek na si Christopher Torres Tenerife, 37, drayber.
   
Ang suspek ay nakatala sa drug watchlist ng CAIDU, BCPO, at sinasabing sangkot sa pagbebenta at paggamit sa ipinagbabawal na gamot.
   
Bandang 6:30 p.m. kamakalawa, pinuntahan ng mga tauhan ng CAIDU, kasama ang lolo ng bata, sa koordinasyon ng Baguio City Police Station 2, sa nasabing lugar at agad dinakip ang suspek.
   
Nakakuha ang otoridad sa bulsa ng shortpants ng suspek ng dalawang plastic sachet ng shabu.
   
Ang nakumpiskang droga ay dinala para sa qualitative examination at drug test ng suspek sa PNP Crime Laboratory, Camp Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet.
   
Ang biktima ay dumaan sa medico-legal examination sa Baguio General Hospital and Medical Center. Ang suspek ay sasampahan na ng kaso.