7,065 guests

Zsa Zsa at Arch. Conrad, nagkabalikan?

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 865

GAANO kaya katotoo ang balita na muling nagkabalikan ang nagkahiwalay na engaged couple na sina Zsa Zsa Padilla at Architect Conrad Onglao?

Ayon sa balitang nakarating sa amin, ginawa raw talaga ni Conrad ang lahat na ma-win back si Zsa Zsa sa kabila ng kanilang paghihiwalay dahil mahal na mahal raw nito ang singer-actress at malamang daw na matuloy na ang kanilang naunsyaming pagpapakasal sa Italy na dapat sana’y nangyari last September.
   
Pero tahimik ang mag-kabilang-panig tungkol dito.

ANNE,  WALANG PAKI SA PAG-AASAWA NG MGA KAIBIGAN

AT 31, hindi napi-pressure ang actress-TV host na si Anne Curtis na isa-isa nang nagsipag-asawa ang kanyang mga kaibigan na sina Georgina Wilson, Solenn Heussaff at Isabelle Daza. Sila na lang ng fashion stylish na si Liz Uy ang natitirang single.
   
Sa ngayon ay patuloy niyang ini-enjoy ang relasyon nila ng longtime boyfriend na si Erwan Heussaff, nakababatang kapatid ng model-turned singer-actress na si Solenn Heussaff.
   
Bukod sa pagiging host ng “It’s Showtime,” ang noontime program ng ABS-CBN, ginagawa ngayon ni Anne ang kanyang bagong movie under Viva Films, ang “Bakit Lahat ng Guwapo May Boyfriend” with Dennis Trillo and Paolo Ballesteros mula sa direksiyon ni Jun Lana.

DICK AT MISIS, SABAY IKE-CREMATE

NGAYONG araw ng Martes, October 18 nakatakdang i-cremate ang mga labi ng namayapang veteran actor na si Dick Israel at asawa nitong si Marlyn Michaca.
   
Magkasunod na sumakabilang-buhay ang mag-asawa.  Binawian ng buhay si Dick noong nakaraang October 11 at sumunod naman ang kanyang misis last October 15 dahil sa aneurysm.
   
Iniwan ng mag-asawang Dick at Marlyn ang kanilang apat na anak.

PRINCE, MAS GUMAAN SA PAGLALANTAD

MAGAAN ang pakiramdam  ngayon ng Starstruck alumnus na si Prince Stefan magmula nang siya’y mag-out.
   
Open na ang pagkakaroon niya ng relasyon sa gym buddy na si Paolo Amores na madalas niyang kasama sa mga lakaran at maging sa kanilang pamamasyal sa ibang bansa at kasama na rito ang Hong Kong and recently sa Singapore.  
   
Aminado ang actor na kung kelan niya inamin ang kanyang sexual preference ay saka naman bumuhos ang maraming project sa kanya at kasama na rito ang pagkakapasok niya sa tumatakbong `Till I Met You” nina James Reid, Nadine Lustre at JC Santos.
   
Speaking of “Till I Met You,” gaano kaya katotoo ang balita  na hindi umano masaya ang management ng Kapamilya Network dahil hindi gaanong pumapalo sa ratings ang nasabing serye kumpara sa unang TV series ng magkasintahang James at Nadine, ang “On The Wings of Love”?  
   
Mukhang hindi sold ang televiewers sa tema ng serye unless ibahin siguro nila ang istorya.

PAGHIHIWALAY NG MAGULANG, TANGGAP NA NI VINA

NAKITA sa recent concert ni Vina Morales sa Kia Theater ang kanyang estranged parents na sina Daddy Ike at Mommy Diane pero hindi sila magkatabi ng upuan.
   
Tanggap na ni Vina at ng kanyang mga kapatid na malabo nang magkabalikang muli ang kanilang parents.
   
Samantala, hindi nakita sa concert ni Vina ang kanyang French businessman boyfriend na si Marc Lambert.

NAUNA PA ANG BABY KAYSA KASAL

ANG isa sa closest friends ni Rufa Mae Quinto na si LJ Moreno-Alapag ang tatayong matron of honor sa November 25, 2016 wedding niya with her US-based fiancé na si Trevor Magallanes.
   
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng detalye ang bride-to-be kung saan gaganapin ang kanilang wedding ceremony at kung sinu-sino pa ang bumubuo ng wedding entourage.
   
Rufa Mae is now carrying her first baby na nauna na bago pa man sila ikasal ni Trevor who is nine years her junior.
   
Kailan naman kaya susunod sa pag-aasawa ang kanyang ex-boyfriend na si Erik Santos?


ARJO, MAS FOCUSED SA TRABAHO KAYSA LOVE LIFE

MASAYA si Arjo Atayde na nananatiling mataas ang rating ng “FPJ’s Ang Probinsyano” kung saan siya gumaganap na kontrabida.
   
Isang taon nang tumatakbo sa ere ang serye na siyang pinakamatagal na TV series na sinalihan ni Arjo.
   
Obvious na minana ni Arjo ang husay sa pag-arte sa kanyang inang si Sylvia Sanchez.
   
Samantala, naudlot ang magandang pagtitinginan nina Arjo at Jane Oineza at idinahilan ng binata ang kawalan nila ng oras dahil sa kanilang busy schedule.  Pero sa kabila nito ay nananatiling magkaibigan ang dalawa.
   
Gusto ni Arjo na mag-focus sa kanyang trabaho. Natutuwa siya dahil hindi siya nawawalan ng proyekto sa Kapamilya Network kung saan din nagtatrabaho ang kanyang inang si Sylvia at ang kapatid niyang si Ria Atayde.

JAMES, GUSTONG MAGKASUNDO ANG MGA ANAK

MATAGAL nang hindi nagkikita ang mag-amang James Yap at Bimby Aquino Yap.  Nagtatampo umano si Bimby sa kanyang ama dahil hindi man lamang daw ipinaalam sa kanya ang pagkakaroon niya ng baby brother.  Nalaman pa raw ito ni Bimby sa Facebook.  Dahil dito, maging ang ex-wife ni James na si Kris Aquino ay sumama rin umano ang loob sa dating mister.
   
Two months old na ang baby ng magkasintahang James at Michela Cazzola na si Baby Michael James or MJ pero hindi pa ito nakikita hanggang ngayon ni Bimby.
   
Although sobrang nami-miss ni James si Bimby, hihintayin na lamang daw niya ang pagkakataon na maiintindihan na nito ang sitwasyon.
   
Gusto ni James na magkakasundo ang kanyang tatlong anak bilang magkakapatid.

BIRTHDAY GREETINGS AND CONDOLENCES

PERSONAL: Belated birthday greetings to Tito Al Chu of Anaheim, California, USA last October 12 at kay Vina Morales, October 17.
   
My belated condolences sa magkakapatid na Boss Vic del Rosario, Tess Cruz, Cheng and Ricky del Rosario sa pagpanaw ng kanilang nakatatandang kapatid na si Teddy del Rosario recently.  
   
Ganoon sa pamilya na iniwan ni Mana Cristy Esperas who recently died due to lingering illness.