5,024 guests

Arnel, nilinaw ang isyu sa Journey

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 578

Nilinaw ni Arnel Pineda na lead vocalist ng sikat na American band na Journey na buung-buo pa rin ang grupo nila taliwas sa ilang espekulasyon na nagkawatak-watak na sila.

“We tour every year,” pahayag ni Arnel sa presscon ng Powerhouse concert na ginanap last Sunday sa Solaire Resort and Casino.

“Year after year we do at least 55 to 65 shows a year. We just finished, actually. I just came back from America a month ago, umuwi ako, we were able to do 62 shows. Then, I’m about to leave next month to do a couple of shows with them.
   
“Tapos, we come back next year, I think, confirmed na po, babalik kami dito sa Pilipinas in the middle of February, sa Mall of Asia grounds. It will be part of our Asian tour. We’ll do Japan, Singapore, Hong Kong, Malaysia, Taipei, and Thailand. So kasama ang Philippines,” patuloy ng Pinoy world class singer.
   
Nine years na raw siya sa grupong Journey at kung tatanungin kung may gusto pa siyang marating higher than where he is now, aniya ay wala na.
   
“Parang ito na ’yung pinnacle of my luck, kasama na siyempre ang hard work. Mas mataas pa rito, masyado nang mabait ang Diyos sa akin, which you know I would welcome kung meron pang career higher than this na naghihintay sa akin out there.
   
“Pero I’m not getting any younger. I’m almost 50 now, I think at this point in my life, I just have to feel contented, satisfied and very, very grateful for all the blessings that I’ve had,” sey ni Arnel.
   
Sa Powerhouse concert na gaganapin sa October 28, 2016, 7:30 p.m. sa The Theatre, Solaire Resort & Casino ang tatlo pang world-class performers na The 4th Impact na naging finalist sa UK X Factor, Harana Prince Michael Pangilinan and  Morisette Amon.
   
Ayon kay Arnel, sobrang excited siya na makasama ang mga new breed at world class Pinoy performers natin but at the same time ay may ilang factor din nang kaunti dahil nga pabata nang pabata ang mga nakakasama niya sa stage.
   
“But at the same time, I’m very, very happy and grateful na makakasama ko ang mga tulad nila kasi marami kang natututunan, eh,” he said.
   
First time na makakasama ni Arnel ang mga nabanggit na performers kaya natanong siya kung ano ang maipapayo niya kay Michael para masundan ang yapak niyang maging international singer din.
   
“Mataas ang boses niya,” sambit ni Arnel. “I guess, pare-pareho lang kami na we aspire to be someone na fulfilled, successful, tapos, recognized in their own right.
   
“Kailangan lang, magtuloy lang kami nang magtuloy. We have to continue what we’re doing, eh. As in, forward talaga. No hesitation, no stopping. Kasi nandu’n na sa puso mo ’yun, eh. Innate na ’yun, eh. ’Yung joy mo, ’yung goal mo, ’yon ’yun, eh.
   
“Tapusin mo ’yung misyon mo, and then, after matapos mo ’yun, siyempre, human nature, tayong lahat, we always aspire for more. ’Pag natapos na natin ’yung level na ’yun, we go to the next level. Wala tayong satisfaction, eh.
   
“Pero hopefully, ang isa ring goal dito, we have to make sure that we are all happy about our success. Kasi kung hindi, at the end of the day, pag-uwi mo sa bahay, I mean, miserable ka pa rin kasi you’re not happy,” he said.
   
Ang Powerhouse concert ay produced ng Lucky 7 Koi Production na binubuo ng mga mayayamang magkakaibigan na sina Joan Alarilla, Atty. Carmelita Lozada, Lily Chua, Carol Galope, Liza Licup, Emie Domingo, Neth Mostoles, Divine Lozada-Arellano, Robert Alarcilla at Judith Sta. Cruz.
   
Kasama rin sa concert bilang guests sina Mayumi at T.O.M.S. band. For tickets, please call Ticketworld at 891-9999.