4,501 guests

Kathryn at Daniel, humingi ng bakasyon

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 644

NABANGGIT sa amin ng nanay ni Kathryn Bernardo na si Mommy Min na humingi ng bakasyon sa ABS-CBN sina Kathryn at ang ka-loveteam na si Daniel Padilla. Gusto raw magpahinga ng dalawa pagkatapos ng sobrang hectic nilang schedule dahil sa shooting and promo ng Barcelona: A Love Untold.

Gusto sanang sulitin nina Kathryn at Daniel ang pamamahinga kaso lang, ayon na rin kay Mommy Min, isang linggo lang ang ibinigay na bakasyon sa kanila ng ABS-CBN.
   
Hindi naman nabanggit sa amin ng nanay ni Kath kung saan magbabakasyon ang dalawa.
   
Anyway, sa nakita naming sipag ng KathNiel sa trabaho, deserve din naman nilang magpahinga, huh!
   
As of this writing, hindi namin alam kung umalis na ng bansa ang dalawa o piniling dito na lang sa Pilipinas magbakasyon. Afther kasi ng kanilang much-needed break, babalikan nila ang mga naiwang trabaho tulad ng shoot for their individual endorsements and of course, paghahanda para sa kanilang gagawing teleserye sa 2017.