4,630 guests

Dinah, patay matapos matumba sa banyo

  • Written by Aster Amoyo
  • Published in Showbiz
  • Read: 1081
Dinah Dominguez Dinah Dominguez

MALUNGKOT na ibinalita ng kaibigan nating si Ricky Lo kahapon (October 15) na pumanaw na ang singer-actress na si Dinah Dominguez nung gabi ng October 14, Biyernes na inatake umano sa puso habang ito’y nasa loob ng  banyo.

Nakakabigla lalupa’t kilala si Dinah sa pagiging always on the go.

Dekada sitenta siya nagsimula bilang singer-actress at nakapag-record pa siya ng album at isa na rito ang “Disco Punk Queen” na naging titulo niya noong early 80’s.  Nakilala rin siya noon sa pagiging “Piranha Queen” dahil sa pag-aalaga nito ng mabangis na uri ng isda sa loob ng kanilang bahay.

At the peak of her career ay nakagawa si Dinah ng ilang pelikula at karamihan dito ay pawang  mga action movies.  Huli niyang pelikula ay noong 2000, ang “Lapu-Lapu” na pinagbidahan ni Lito Lapid.

Nang kanyang isilang ang anak niyang si Champagne Morales (courtesy of her ex-businessman boyfriend na si Siso Morales), tinutukan niya ang paglaki nito hanggang sa pasukin na rin nito ang showbiz bilang singer-actress tulad niya noon.

Kilala si Dinah sa pagiging ma-PR nung ito’y nabubuhay pa.

MISIS NI DICK, YUMAO NA RIN
   
NOONG nakaraang Sabado (October 15) din binawian ng buhay ang misis ng namayapang actor na si Dick Israel (Ricardo Michaca sa tunay na buhay) na si Marlyn Michaca dahil sa aneurysm.
   
Bago pa man sumakabilang-buhay ang veteran actor na si Dick ay isunugod na sa pagamutan ang kanyang misis two weeks ago  na nanatiling comatose hanggang sa ito’y tuluyang bawian nang buhay last October 15.
   
Parang naghintayan lamang ang mag-asawa sa kanilang paglisan.
   
Dahil dito, minabuti ng mga anak ng mag-asawang Dick at Marlyn  at ng mga taong tumutulong sa kanila na i-extend ang lamay ng dalawang araw pa at sabay na silang iki-cremate ngayong Martes, October 18.  
   
Ulila nang lubos ang apat na anak nina Dick at Marlyn.
   
Nakabalik na rin ng bansa ang isa sa mga anak na si Laralyn Michaca na nagtatrabaho sa Dubai at lubos ang kanyang pasasalamat sa lahat ng tumulong at nakaalaala sa kanilang yumaong ama laluna ang “Damay Kamay” na pinamumunuan nina Vivian Velez, Nadia Montenegro at iba pang celebrities.

VIC, GUSTO NANG MAGKAANAK KAY PAULEEN

UMAASA ang TV host-comedian-TV and movie producer na si Vic Sotto na makalusot ang kanyang pelikulang “Enteng Kabisote 10 & the Abangers” sa panlasa ng selection committee ng ika-42nd year ng Metro Manila Film Festival dahil tiyak daw na maiibigan ito ng mga manonood laluna ang mga bata at buong pamilya na siya naman talagang target market ng mga pelikulang pinagbibidahan ng mister ni Pauleen Luna.
   
Most of the scenes ay kinunan pa sa Bohol at may special participation ang phenomenal pair na sina Alden Richards at Maine Mendoza.
   
Kasama rin sa “Enteng Kabisote 10” sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Epi Quizon, Atak, Ken Chan, Bea Binene, Cacai Bautista at ang child star na si Alonzo Muhlach.  Ito’y magkatulong na pinamamahalaan nina Tony Y. Reyes at Marlon Rivera and joint production ng OctoArts Films ni Boss Orly Ilacad, M-Zet Productions ni Bossing Vic Sotto at APT Entertainment ni Mr. T or Tony Tuviera.
   
Samantala, hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig ni Bossing (Vic) kung sino ang gaganap sa iconic character ng “Enteng Kabisote” na si Faye.    
   
“Panoorin niyo ang pelikula nang malaman niyo ang kasagutan,” hamon ni Bossing.
   
Still on Bossing, naniniwala siya na darating din ang panahon na magkakaroon sila ng baby ng misis niyang si Pauleen Luna-Sotto.
   
Mahilig magbiyahe ang mag-asawa sa iba’t ibang lugar na siya nilang paraan ng pagre-relax at bonding moment although araw-araw na silang magkasama sa “Eat Bulaga”.
   
Si Bossing ang pinakabagong brand ambassador ng Chooks-to-Go at isang malaking launch ang ginanap sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La Hotel kung saan din ipinakita ang pinakabagong TV commercial ng mister ni Pauleen.
   
Samantala, marami ang nakapansin na pabata nang pabata ang hitsura ngayon ni Bossing na tila hiyang sa kanyang muling pag-aasawa.
   
Ito ay sa kabila na madagdagan na naman ang mga apo ni Bossing dahil nakatakdang magsilang ang manugang niyang si Kristine Hermosa-Sotto ng pang-apat nilang anak ni Oyo Sotto.
   
Bossing has two grandchildren sa kanyang panganay na anak na si Danica Sotto-Pingris sa mister nitong cager na si Marc Pingris habang mag-a-apat naman ang apo niya kina Oyo at Kristine.