6,314 guests

Alden, alam kung saan wawaldasin ang pera!

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 540

Congratulations kay Alden Richards sa bubuksan niyang Concha’s Garden Cafe Restaurant sa Tomas Morato, Quezon City. Under construction pa ang restaurant at base sa picture na kumalat sa internet, baka before the year ends, maging operational na ang restaurant.

Matatandaang co-owner si Alden ng Concha’s Garden Cafe sa Tagaytay, hindi lang malinaw kung ang branch sa T. Morato ay solo niya o kasosyo pa rin niya ang may-ari ng restaurant.
   
Napupuri si Alden at ang pamilya nito dahil alam kung saan dadalhin ang kinikitang pera. Hindi puro waldas ang aktor at tama ba ang narinig naming may farm na rin ito sa Lemery, Batangas?
   
Samantala, number one sa iTunes ang Say It Again album ni Alden under GMA Records. Hindi rin nawawala sa top five ang carrier single niyang Rescue Me at tila gagawing gold ng fans nito ang kanyang second album.

* * *

Ibinalita ni Mike Enriquez sa 24 Oras  na muling bumalik ang GMA Network sa pagiging number one TV network sa buong bansa. Ayon ito sa datos mula sa pinaka-pinagkakatiwalaang ratings service provider na Nielsen TV Audience Measurement.
   
Dahil ito sa patuloy na pagna-number one ng shows ng network sa National Urban Television Audience Measurement mula September 1 to October 13 dahil sa naitalang  average people audience share na 38.3 percent, kumpara sa 37.6 percent ng ABS-CBN.
   
Nanatili ring number one ang GMA sa Urban Luzon na kumakatawan sa 77 percent ng kabuuang viewers sa urban TV homes with 43.4 percent share. Sa Mega Manila, napanatili ring malakas ang GMA sa ratings nito base sa naitalang 46.1 percent. Ang Mega Manila ay kumakatawan sa 59 percent ng lahat ng urban viewers sa bansa.
   
Unang-una sa listahan sa Urban Luzon ang Encantadia at number one rin sa National Urban Philippines. Kasama rin sa top 10 sa Urban Luzon ang Alyas Robin Hood, 24 Oras, Pepito Manaloto, Kapuso Mo Jessica Soho, Magpakailanman at Hay Bahay.
   
Pasok din ang 24 Oras Weekend, Ismol Family, Sunday Pinasaya, Wowowin, Someone To Watch Over Me, Eat Bulaga, Imbestigador, Superstar Duets, #Like, Dear Uge  at Sa Piling ni Nanay ayon sa Nielsen data.