5,926 guests

Sharon still relevant

  • Written by Joey Aquino
  • Published in Showbiz
  • Read: 523
Sharon Cuneta Sharon Cuneta

SHARON Cuneta is back in shape.

Obviously, she will never go back to her old figure -- no pun intended. But undeniably, her star brightens anew. Kaya naman ibang-iba ang energy ng Megastar ngayon.

Naging matagumpay ang kanyang pagiging judge sa Your Face Sounds Familiar at voice coach sa The Voice Kids Philippines Season 3. Patunay na marami pa rin ang nagmamahal sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman siya nawala sa eksena. Hindi lang talaga siya sinamahan nang lumipatsiya noon sa TV5 – lalo na ng kanyang fans na solid sa pagiging Kapamilya. Ngayon, mapapatunayan ni Sharon kung gaano siya kamahal ng kanyang fans sa pamamagitan ng kanilang pagtangkilik sa kanyang concert.

Her comeback concert (after four years) will be held at The Theater at Solaire this coming October 15 and 22. Mapupuno kaya ni Sharon ang venue sa kanyang concert? Just asking...

PAGPATOL SA SOCIAL MEDIA, ASAR TALO

SUMAWSAW at pumatol.
   
Ito na marahil ang dalawang paraan para madaling mapansin sa social media. At mukhang ito ang ginagawa ng ilan sa ating mga celebrity ngayon.
   
‘Yung iba umiiwas sa mga kontrobersiya. Pero ang iba naman, todo-patol sa lahat ng mga batikos ng ilang netizen. Gaya na lamang sa pagpatol nina Angelica Panganiban at Kim Chiu sa kanilang bashers. Tinawag na pangit si Angelica habang binatikos naman si Kim sa kanyang hosting. Sa aming pananaw, hindi na dapat pinapatulan pa ang ganitong mga comment. ‘Ika nga, asar-talo sa ganitong usapin. Maliban na lang kung gusto rin nilang laging pinag-uusapan.
   
Pero iba naman itong kaso ni Agot Isidro. Wala namang masama sa ginawa niya dahil pagpapahayag lang ‘yun ng kanyang opinion sa napapanahong isyu. Pero ‘yung pagtawag niya kay Pangulong Rody Duterte na “psychopath” ay kalabisan sa kanyang pagiging celebrity. It’s okay to oppose the President’s views. But resorting to crassness only shows one’s true character. Tuloy pinamukha pa sa aktres ng ilang eksperto ang kakulangan niya sa kaalaman hinggil sa political literacy at international relations. Natatawa lang kami sa isang comment na “nasobrahan daw siya ng sedatives” kaya kung anu-ano na raw ang pinagsasabi. Her character as wife of a drug lord (Albert Martinez) in the hit teleserye, Ang Probinsyano is under sedatives.
   
Was Agot in character when she posted her controversial comment? Just asking…

Disclaimer:
   
Sa diwangmalayangpamamahayag, malaya rinangsino man o concerned parties natinutukoy o nasusulatsakolum naito para saanumangpaglilinaw o karagdagangkomento at reaksyon. Mangyaringmakipag-ugnayanlamangsaJust Asking thru 09179256177 or email us at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.