4,853 guests

‘Shutdown!’

  • Written by Vinia Vivar
  • Published in Showbiz
  • Read: 543

Derek, muntik tablan sa romansahan

... boobs ni Lovi, kinipkip ng hunk aktor

Trailer pa lang ng pelikulang The Escort, maiinit na love at kissing scenes na ang makikita sa mga bidang sina Derek Ramsay and Lovi Poe. 

Mismong si Derek, kinumpirmang mas daring pa ang latest film niya sa No Other Woman nila nina Anne Curtis at Cristine Reyes.
   
“The great thing about it is it’s more daring pero hindi kami nag-lovemaking ni Lovi, eh. It was all foreplay kasi virgin nga siya (sa movie), hindi pa siya ready, but grabe ’yung sexual tension, parang mas naging sexy pa nga kasi hindi naman siya consummated. So, it was actually sexier,” pahayag ni Derek.
   
Sa sexy scenes, ayon pa kay Derek, walang ka-effort-effort si Lovi na maging sexy.
   
“Not once that we had to say, ‘oops, cut, palitan natin ang angle para mas payat ka tignan.’ ’Yung lighting, hindi na pinalitan. Every angle, she looked good. So, you know, walang daya. I’m not saying the others, nandaya, pero talagang sa kanya, she’s really... what you see on the magazines, ganu’n talaga.”
   
Noong una, may nilagay pang protection si Lovi sa breasts niya.
   
“Pero hindi talaga madaya, nakikita. So, I talked to her, ‘okay ka lang? I guarantee you, you’ll be safe.’ To the point na halos wala nang (proteksyon) and she was comfortable, everything was okay. Talagang I protected her para hindi siya mabosohan.
   
“Mahirap kasi na umaarte ka, iniisip mo pa na baka lumabas ’yun. So, I sat her down, sabi ko, ‘look, I guarantee you, nothing will happen to you.’”
   
Paano ang ginawa niya para protektahan ang boobs ni Lovi?
   
“You just have to keep her chest pressed to yours, especially kapag may transition na ng positioning, you’d grab her close to you and pwede mo nang iarte ’yun, kunyari nanggigigil ka.”
   
Sa sobrang kasekihan ni Lovi, may time ba na na-turn-on siya sa mga love scene nila?
   
Natawa ang aktor. “Big no-no sa akin ’yan. I cannot allow myself, you shut yourself down. Everything. Talagang shut down, talagang hindi ka pwede.”
   
“Nakakatulong din ’yung init ng ilaw, ’yung mga lalaking nakatingin. Nakakatulong din ’yun, ’yung mga vocal cue. But still... usually naman, walang tao sa room, kayong dalawa lang. But with this one, when we did the love scene, it was very different kasi the director allowed us to use music which can even help us become more passionate and more intimate and more romantic and sexy.
   
“So, it was kinda harder to switch yourself off. Pero I won’t start the scene kung hindi ko alam kontrolin. I always tell Direk, ‘Direk teka lang, ha?’ And then, meditate, internalize,” sey ni Derek.
   
At proud siya na sa dami ng aktres na naka-love scene niya, iisa ang sinasabi ng mga ito sa kanya, “I put a lot of effort into it, that they feel safe and they feel like they’re being respected. So, I continue to do that to whoever girl that I work with.”
   
Kasama rin sa The Escort si Christopher de Leon mula sa direksyon ni Enzo Williams. Also in the cast are Jean Garcia, Rommel Padilla, Jackie Lou Blanco, Dimples Romana and Albie Casiño.
   
Showing ito sa Nov. 2 mula sa Regal Entertainment, Inc.