4,645 guests

Pagtatagpong Sharon-Alden, nahaluan ng lungkot

  • Written by Jun Nardo
  • Published in Showbiz
  • Read: 770

Burol at libing ni Dick, sagot ni Nadia at ng Actor’s Guild

NAHALUAN ng lungkot ang mundo ni Sharon Cuneta matapos ang masayang rehearsal para sa unang gabi ng concert niya sa October 15 sa The Theater ng Solaire Resorts & Casino na sinundan niya ng dinner sa paboritong restaurant.

Sa post ni Sharon sa kanyang Facebook account, kasama niya sa dinner ang mga anak na sina KC, Frankie at Miguel sa Sakura resto sa Makati.
   
Bonus nga sa kanila ang ma-meet si Alden Richards na idolo ni Frankie.
   
Pag-uwi sa bahay upang makita ang isa pang anak na si Miel at asawang si Sen. Kiko, tsinek niya ang cellphone na bihira na niyang gawin.
   
Nakita niya ang message ng pamangkin na si Josette upang iparating na namatay na ang half-sister niyang si Ate Ningning, ang huli sa tatlong magkakapatid sa isang ina.
   
“Ate Ningning and my Mommy were able to spend time and talk in the hospital two years ago just before my Mama passed away.
   
“I grew up seeing Ate Ning and her children Abby, Bunny, Patrick and Tonton in our house more often than my other Cuneta relatives (except for Kuya Butch who lived with us for a few years and who I still adore and love dearly).
   
“I never had the chance to talk to her in the past several months. You always think there is going to be tomorrow, until there are no more of it…,” bahagi ng post ni Shawie.
   
Nitong mga nakaraang buwan, nagluksa rin si Sharon sa pagkamatay ng half-brother niyang si Danny Cuneta. Two weeks ago, sinundan ito ng pagkamatay ng isa pang half-brother, si Freddie, kapatid ni Danny.
   
“I felt worse losing him (Freddie) as our Daddy wanted nothing more than ALL his very many children to get along. Kuya Freddie and my Mom had a falling out years ago. And well, you know how fiercely protective I was of my parents. I regret we never had the opportunity to make up and forgive each other in person,” saad pa ng Megastar.
   
Dagdag niya, “I wish I could say more, but alas, these are private matters. All I can say is that if I could have been there more, in more ways than one, I would have any hesitation.”
   
Pinahayag din ni Shawie na nawala na rin sa kanya ang kapatid ni Boss Vic na si Teddy del Rosario, na nakatrabaho niya rin nang matagal sa Viva Films.
   
“It feels like so many are being taken away from me… I pray this is it. At least for a long while.
   
“Thank you for bearing with my sadness. I don’t plan these things as you know. I promise to try my best to deliver better and happier news again next time, no matter what is going on in the life I live that you do not see.
   
“God bless you and good night,” pagwawakas ni Sharon.
   
Nakikiramay kami sa pagdadalamhati ni Sharon.

* * *

NAGDADALAMHATI rin si Rez Cortez sa pagkamatay ng character actor na si Dick Israel nang interbyuhin siya sa Balitanghali ng GMA News TV kahapon.
   
Halos kasabayan ni Rez si Dick na pumasok sa showbiz. Inalala niya ang namayapang kaibigan bilang magaling na aktor, komedyante at naging director din ng Actor’s Guild.
   
Nu’ng buhay pa si Dick, nagkasunud-sunod ang problema niya. Na-stroke na nga, nasunugan pa ng bahay.
   
Isa sa mga agad tumulong sa kanya si Nadia Montenegro.
   
Ayon kay Rez, ang foundation na pinamumunuan ni Nadia ang nag-ayos ng kailangan para sa burol at libing ni Dick.
   
Nakahanda rin daw magbigay ng tulong ang Actor’s Guild sa mga naiwan ni Dick.