5,426 guests

6 timbog sa pot session, sumpak

  • Written by Melnie Ragasa-Jimena With Jenesis Ann Canua
  • Published in Metro
  • Read: 196

Anim na kalalakihan ang inaresto ng pulisya dahil sa pagdadala ng iligal na armas at pagsasagawa ng pot session sa isang barangay sa Quezon City.

Sa ulat kahapon kay Quezon City Police District (QCPD) director Senior Supt. Guillermo Eleazar ng Police Station 6, kinilala  ang mga suspek na sina Reyness Manaog, 40, Eld-mar Brazil, 37, Ryan Carlo Cuento, 27, Kevin Mendez, 18, Jason Lahada, 24, at Renzy Wong, 24, pawang ng Bgy. Commonwealth, QC.
   
Sa pagsisiyasat ni PO2 Ronilo Prepose Jr., ng PS-6, nadakip ang mga suspek ng mga miyembro ng Barangay Public Safety Office (BPSO) kasama si SPO1 Samuel Leonardo ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (SAIDSOTG) monitoring ng PS-6 sa Bgy. Commonwealth.
   
Nangyari ang insidente sa Katuparan St. at Rosal St., alas-12:05 ng tanghali.
   
Nagsasagawa ng visibility patrol ang BPSO, kasama si SPO1 Leonardo, sa nasa-bing lugar nang maispatan nila ang dalawa sa mga suspek na may matulis na bagay sa bulsa habang naglalakad sa lugar.
   
Habang patungo sa barangay, naaktuhan ng mga otoridad ang apat pang suspek na humihithit ng shabu sa pintuan ng isang junkshop at sila’y inaresto.
   
Narekober sa mga suspek ang anim na plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia, isang sumpak, isang bala ng shotgun at patalim.
   
Kasong paglabag sa RA  9165 at RA 10591 o illegal possesion of deadly weapon ang kinakaharap ng mga suspek.