4,840 guests

Kathryn, P1B ang kinita ng mga pelikula

  • Written by Leo Bukas
  • Published in Showbiz
  • Read: 1046

Certified box-office actress talaga si Kathryn Bernardo pero tatahi-tahimik lang siya. Until now ay hindi pa rin kasi nawawala ang pagkamahiyain niya na nagustuhan naman ng marami dahil it shows kung gaano siya ka-humble.

Pero alam n’yo ba na napakalaking pera na pala ang naisampa nina Kathryn at Daniel Padilla sa Star Cinema dahil sa mga blockbuster movie na ginawa nila? Kapag pinagsama-sama ang gross ng ginawa nilang mga pelikula in five years, aabot na ito ng more than P1 billion. Yes, ganu’n kalaki.
   
Of course, naging po-sible ang lahat dahil sa support ng KathNiel fans at ng mga taong nagmamahal at naniniwala sa kanilang love-team. Sabi nga ni Kathryn, “hindi naman po namin ito mararating kung wala ang suporta ninyong lahat.”
   
Ito ang break down ng kinita ng kanilang mga pelikula: Must Be Love (P72.9M), Pagpag (P177M), She’s Dating The Gangster (P250M), Crazy Beautiful You (P322M) at Bar-celona: A Love Untold (P200M and counting dahil showing pa rin until now).
   
Kapag pinagsama-sama ang gross ng limang pelikula ay more than P1 billion na ito, huh!
   
Ang KathNiel din pala ang youngest loveteam sa Philippine cinema na may ganito kalaking gross in just five years. Wow naman! And siguro, walang magpu-protesta dito dahil kitang-kita naman ito sa record.
      
Anyway, kababalik lang ni Kathryn mula sa Thailand para sa isang commercial shoot na sa January of 2017 pa ang airing. Kasama ni Kathryn na nagpunta ng Thailand ang butihing nanay niya na kilala bilang si Mommy Min sa showbiz.