6,363 guests

Paolo, nanghinayang kay Dennis

  • Written by Nitz Miralles
  • Published in Showbiz
  • Read: 906

Masaya ang fans ni Dennis Trillo na negative ang result ng drug test ng aktor. Patunay ang result ng drug test na mali ang tsismis tungkol kay Dennis.

Kinunan noong October 5 ang drug test sa Hi-Precision Diagnostics sa East Avenue at parehong negative ang result ng Methamphetamine at Tetrahydrocannabinol test. Sa netizen na nagtanong kung bakit walang drug test ng cannabis, ang sagot ni Dennis, “Tetrahydrocannabinol is cannabis.”

Anyway, parang hindi natanong si Dennis sa presscon ng Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend  sa kampanya ng gobyerno tungkol sa illegal drugs. Kung natanong ang aktor, baka nabanggit nito ang pagpapa-drug test niya dahil Oct. 5 siya nagpa-drug test at Oct. 7 ang presscon.
   
Samantala, muling magpapakita ng husay sa acting si Dennis sa Viva Films movie na showing sa Oct. 19 lalo na sa mga eksenang babading-bading siya. Masaya raw gawin ang Bakit Lahat ng Gwapo May Boyfriend dahil positive, pero nakakatawa.
   
May panghihinayang lang si Paolo dahil payag si Dennis sa kissing scene kung may ganu’ng eksena para sa ikagaganda ng pelikula. Kaya lang, wala silang ganu’ng eksena ni Paolo na humirit na puwede pa raw ihabol.

* * *

Ang sipag talagang mag-promote ni Angel Locsin ng Star Cinema movie na The Third Party  via Instagram (IG). Sa IG nito namin nala-mang labas na ang teaser ng movie nila  nina Sam Milby at Zanjoe Marudo. Si Angel din ang nagbalita kung ilang milyon na inabot ang viewers ng teaser at trailer sa Facebook.
   
Nitong huli, ibinalita ni Angel ang international screening ng movie nila mula USA, UK, Canada, Austria, Hongkong, Saipan at Papua New Guinea after October 12 na opening ng pelikula sa bansa.
   
Hindi nag-spoiler sina Angel, Sam, Zanjoe at Direk Jason Laxamana sa ending ng The Third Party kung kanino mapupunta si Sam. Panoorin na lang daw ang movie.

* * *

Successful ang shows nina Glaiza de Castro, Rocco Nacino at  Solenn Heussaff sa Khalidiyan Mall sa Abu Dhabi. Hanggang doon, pinagkaguluhan ang tatlo sa cast ng Encan-tadia at may Encantadia fever din ang mga kababa-yan natin doon.
   
Sa meet and greet may naka-costume ng mga karakter sa fantaserye. Dumeretso sa  Dubai ang tatlo for another show.
   
Kahit hindi kasama sa UAE ang ibang Sang’gre na sina Kylie Padilla, Gabbi Garcia at Sanya Lopez, para na rin silang kasama dahil sa malalaking standee nila na naka-display sa stage.
   
Tuloy pala ang kilig ng fans sa loveteam nina Rocco at Sanya Lopez at inaabangan ang kanilang Twitter serye. Ang request ng fans, next time na mag-a-abroad si Rocco for a show, kasama na si Sanya.
   
Sa Encantadia, manganganak si Alena sa anak nila ni Ybarro/Ybrahim (Ruru Madrid) kay Sang’gre Kahlil (Avery Paraiso). May bagong karakter pang papasok na si Lilasari na inaabangan na ng viewers pero sikreto pa kung sino ang gaganap.

* * *

Hindi naman pala show ni Kris Aquino ang ipapalit ng APT Entertainment sa magtatapos na morning series na Calle Siete dahil teleserye ng That’s My Bae ang papalit. Natuwa at excited ang members ng That’s My Bae  nang i-announce ang bago nilang show sa Eat Bulaga.
   
Binubuo na ang complete cast ng teleserye ng That’s My Bae at kasama rito ang isang nagbabalik Kapuso. Lumipat sa ibang network ang talent na ito at ngayon, babalik sa GMA-7 at unang mapapanood sa teleserye ng That’s My Bae.
   
Ayaw pang ipaalam ang identity ng nagbabalik Kapuso at pati nga gender, sikreto pa rin. Sa storycon na lang malalaman kung sino siya. 

* * *

Monday sa Alyas Robin Hood, lumutang ang prison car na sinakyan ni Pepe (Dingdong Dantes), pero walang bangkay na nakita, kaya may kutob ang mga pulis na buhay pa si Pepe. Pati si Adelita (Tanya Gomez) naniniwalang buhay pa si Pepe.
   
Pahihirapan ni Adelita ang pamilya ni Pepe, sinet-up nito at palalabasing drug pusher si Judy (Jaclyn Jose) at isasama sa “walk of shame” saka ikukulong kasama ang mga zombie. Walang magawa si Pepe, hindi matulungan ang ina.
   
Magtataka naman si Pepe sa balitang nahanap ang bangkay niya na palutang-lutang sa ilog with his own clothers.